CHAPTER 01: The Maximillian Rest House

8 2 0
                                    

Avianna

Nakarating na ako sa sinabing location sa'kin. Bumaba na ako ng sasakyan at hinayaan itong naka-park sa harap mismo nitong bahay.

So, this is the place where I'll be staying for a month, huh?

Papa told me na mayro'n ng mga gamit sa loob kaya sarili ko lang ang dinala ko rito.

Naglakad na ako papunta sa may pinto papasok sa loob. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bungad na agad sa akin ang malawak na hallway. Kita ang sala mula sa kinatatayuan ko ngayon. Tumungo ako roon at naupo sa mahabang sofa nang marating ito. Sakto lang ang lambot nitong sofa, komportable ito upuan at pagpahingahan lalo na ngayon na pagod ako.

If you're going to ask, It took me nearly five hours of driving to get myself to this place!

Ilang sandali lang ay umakyat na ako sa taas para hanapin ang kwarto. Agad namang nakapukaw ng atensyon ko ang gintong pintong bumungad sa akin pagpanhik ko ng hagdan. Pagbukas ko nito ay malamig na hangin mula sa air-condition ang bumati sa akin. Dito sa loob ng kwarto ay may king-size bed sa gitna. Mayroong malaking tinted glass window kung saan kita ang view sa labas. Its width spans half the size of this bedroom. Mayroon ding pinto sa tabi nitong pinto palabas. Ang isa ay transparent sliding door na kita naman na siyang closet kung kaya't hindi ko na ito binuksan habang ang isa naman na may ribbed glass door ay bathroom ng silipin ko ang loob.

Matapos iyon masilip ay sinarado ko na ito at tumungo sa closet para magpalit na ng damit na mas komportable suotin.

Maliit lang itong walk-in closet pero sapat na ang dami ng damit na pwedeng ilagay rito. May drawer din sa gitna na puno ng iba't ibang silver accessories. Hindi ko na muna iyon ginalaw at naghanap na lang ng maisusuot ko.

Nang makakita na ako ng maayos na maisusuot, nagpalit na 'ko ng damit. Nagsuot ako ng itim na pantulog. Wala rin naman akong gustong ibang kulay bukod sa itim. Halos puro itim lang din naman kasi ang sinusuot kong damit.

Wala kayong magagawa kase 'yon ang gusto kong kulay. I prefer black over white or any other color. Black is elegant though.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng closet at naglakad patungo sa kama. Inalis ko ang relong nakasuot sa aking pulso at ipinatong iyon sa maliit na mesa sa tabi nitong kama.

Since there's still no word from Dad, I'll take some rest for the meantime.

Ilang oras lang ang nakalipas ng magising ako sa aking mahimbing na pagtulog. Sapat naman ang naging pahinga ko dahil komportable ang lambot at laki ng kama.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at napagpasyahang maligo.

Katatapos ko lang mag-shower. Ngayon naman ay nagpapatuyo ako ng mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang ang katawan ko ay nakabalot ng bathrobe.

I've just received a message from dad on the ipad that he gave me. It was sent through email. Dad prohibited me from contacting anyone outside this game, so the only gadget that I have is the ipad he provided.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang matuyo ang buhok ko. Sinuklay ko iyon at nilagyan lang ng hair oil at hair serum. Matapos no'n ay nagsimula na ako mag-ayos ng sarili. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil maayos naman tignan.

Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng bathroom at nagtungo sa closet. Naghanap ako ng damit na babagay para i-welcome ang darating na bisita.

Is he even just a visitor? He seems more likely a playmate-a potential ally rather than an opponent.

Nakapili na ako ng damit kung kaya't nagpalit na ako. Nagsuot ako ng thin strap tube dress na five inches above the knee and haba. Nagsuot rin ako ng three inches high heels at mga accessories tulad ng relo, choker na kwintas, at danggling na hikaw.

At the very least, I want to look presentable enough for offering a welcome.

Matapos kong makapag-ayos ay bumaba na ako sa sala upang salubungin ang darating na bisita.

Sa bawat paghakbang ko ay rinig sa buong bahay ang malakas na tunog mula sa aking suot na sapatos.

Nang marating ang dulo ng hagdan ay s'yang pagbukas ng pinto. Iniluwa nitong ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit at leather shoes.

Tumungo ako papunta sa sofa at naupo roon habang naglakad naman siya papalapit sa kinaroroonan ko. Huminto siya ng ilang metro ang layo sa akin. Nilahad ko kamay ko sa direksyon kung saan bakante ang sofa.

"Have a seat," pag-anyaya ko sa kaniya na siya namang tinugon niya ng pag-upo sa sofa. Komportable itong nakaupo, nakasandal ang likod at nakadikwatro pa ang binti.

Sapat ang itsura niya para maituring na gwapo, maganda rin ang hugis ng katawan at maaliwalas tignan ang ayos ng buhok niya.

"You must be Avianna Erika Maximilian, the one and only daughter of Chairman Lucius Maximilian," panimulang pagbati niya, "I am Kian Arzhel Venezio," pagpapakilala niya sa sarili habang nakangiti sa akin.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa akin habang nakapamulasa ang dalawang kamay.

Huminto siya sa harap ko at inilahad ang kaliwang kamay, "It is my pleasure to meet you, my wife," saad niya, hinihintay ang pagtugon ko sa kaniya.

"The pleasure is mine, my husband," tugon kong pagsabay sa kalokohan niya at hinila ang necktie niya dahilan para lumapit ang mukha niya sa akin na kaniya namang ikinagulat. Halos magdikit na ang labi namin sa distansyang mayroon sa pagitan namin. Isang maling galaw lang niya ay maaaring magdikit ang aming mga labi.

Which is something I won't allow to happen.

⟦~⟧

30 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon