CHAPTER 03: The Father's Favor

3 1 0
                                    

Kai

Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ni Avianna.

Ayaw ko kasi na ipagawa pa 'yon sa kaniya. S'yempre, gentleman kaya ako.

Kumuha ako ng dalawang pilas ng tissue tsaka pinunasan ang basa kong kamay. Nang matuyo ay tinapon ko na ang tissue sa basurahan at sumulyap sa aking suot na relo.

Halos mag-aalas dose na pala ng hating gabi.

Nagtungo ako sa sala dahil doon ko nakitang pumunta si Avianna kanina matapos niyang kumain.

Nang marating ang sala ay nakita kong nakasandal ng patagilid sa sofa si Avianna. Nilapitan ko siya upang makita kung anong ginagawa niya. Napansin kong may hawak siyang libro... ngunit nakapikit na siya.

It looks like she fell asleep while reading the book.

Kinapa ko sa bulsa ng pants ko ang aking wallet at inilabas iyon. Kumuha ako ng papel upang maipit sa librong binabasa ni Avianna. Nang malagyan ng marka ang pahina na nakabukas ay sinarado ko na iyon at nilapag sa mesa. Matapos 'yon ay maingat ko namang binuhat si Avianna.

She's lighter than I thought.

"Kai," walang malay niyang saad at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Kai? Who is Kai?

Napaisip ako sandali dahil sa binanggit niyang pangalan.

Nevermind.

Dinala ko na siya sa k'warto para makatulog na siya ng maayos at diretso.

Nang marating ang kwarto ay malamig na hangin mula sa air-condition ang bumati sa amin pagbukas ng pinto. Nagtungo ako sa kama at marahang inihiga si Avianna. Kinumutan ko na rin siya upang 'di lamigin.

Matapos ay naupo ako sa tabi niya tsaka pinagmasdan ang maamo niyang mukha.

Hindi pa ako dinadapuan ng antok ng biglang sumagi sa aking isipan ang napag-usapan namin ni Chairman Lucius na ama ni Avianna.

Nandito ako ngayon sa Chairman's office ng Maxilixe dahil inimbitahan ako ni Chairman Lucius. He said that he has something to discuss with me.

"Kian Arzhel Venezio, the eldest son of the Venezio family, renowned as the youngest and most successful businessman in this province, I have a question," panimula ni Chairman Lucius. "What you would choose: Love or Power?" seryoso siyang nagtanong habang nakatingin sa akin ng diretso.

"There's no need for me to choose between the two, chairman," walang pagdududa kong sagot. "Why choose if you can have both?" dagdag ko pa. Simple lang naman kasi 'yan, Your love ones should be the one to support and lift you up, not bring you down. When it comes to power, just use it right, don't abuse it. Stay humble and don't take advantage of others.

"In that case, could I ask you for a favor?" tanong ni chairman.

"Sure, what favor is it, chairman? " pagpayag ko at tinuon ang atensyon sa sasabihin niya.

"I want you to live at our private rest house for a month with my daughter, Avianna," saad niya, seryoso siya sa bawat binibitawan niyang salita.

"I'm honored by your offer, chairman. However, why are you sending your daughter to live with someone she never met before?" pagtataka ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto n'ya sa request niyang iyon.

It seemed like an unconventional arrangement, considering there's no established relationship between us. I know her daughter by name pero hanggang doon lang 'yon. Who knows, baka nga ako ay hindi rin niya kilala.

"May I ask why you chose me?" tanong kong muli kahit hindi pa niya nasasagot ang una.

"You're a successful businessman. I know that you know what it's like to have power and what love could do with it," paliwanag niya sa request niyang iyon. "What I mean is, I'm asking you to do me a favor to be the one to show my daughter what love could do. I want you to do it instead of me because a man's love is different from parent's love," dagdag pa niya.

"Oh, I see," tanging naitugon ko at tumango nalamang.

"In exchange, you can forge a partnership with our company, gaining access to our extensive network, and dedicated support to amplify your business's success." saad niya at may kinuha mula sa desk drawer niya. "Here's the contract," inabot niya sa akin ang folder ng papeles na siyang naglalaman ng kontrata.

Binasa ko ang laman ng kontrata. Matapos basahin ay kumuha ako ng stamp sa bulsa ng pants ko at pinirmahan marriage contract at partnership contract.

"You don't have to worry about the divorcement if things didn't work as plan. This marriage contract will vanish like it never exist," tugon niya tsaka ko binalik sa kaniya ang kontrata.

"I'm grateful for your trust in me, chairman. I promise to take good care of your daughter. I will respect and treat her well," pangako kong irerespeto ko ang anak niya.

Bumalik sa kasalukuyan ang malay ko ng maramdaman ang pagdikit ng kamay ni Avianna sa kamay ko.

Napahikab ako at nakaramdam ng pagbigat ng mata ko. Naisipan ko ng bumaba sa sala upang doon matulog. Nagsabi naman siya na wala namang problema sa kaniya na tumabi ako matulog ngunit sa kanila pa rin 'tong rest house at nirerespeto ko si Avianna. Mas maayos siguro siyang makakatulog ng mag-isa rito sa kwarto.

Nang marating ang sala ay nahiga na ako. Pagpikit ko ng aking mga mata ay agad naman akong nakatulog.

Ilang oras lang ang nakalipas ng magising ako dahil sa ingay na marinig ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinanggagalingan ng ingay.

Umakyat ako sa kwarto at nadatnan si Avianna na humihikbi habang nakahiga pa rin sa kama. Nilapitan ko siya, akmang tatapikin na ng makita kong nakapikit ito ngunit umiiyak siya.

Marahan kong pinunasan ang pisngi nitong basa. Unti-unti naman siyang kumakalma.

Anyare rito?

Nagtataka akong umupo sa tabi ni Avianna at inintay na maging okay siya bago sana bumaba sa sala para matulog muli ngunit dahil inaantok pa ako ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.


⟦~⟧



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon