The Blue Cafe (One Shot)

342 13 4
                                    

(Based on a true story)

"Loving you was the biggest mistake I made." ani ni James habang papalapit kay Liza. Nakatingin lamang siya sa dalaga, ang tanging anghel sa buhay nya. Hinawakan nya ito sa pisngi at marahang hianplos ng mga daliri nya ang napakaganda nitong mukha.

"But I'm glad I made it."

Sa mga oras na iyon, wala na syang pakielam sa sasabihin ng ibang tao. Tama na ang pagiging self-centered Jerk nya. Dahil sa pagkakataong iyon, siya naman ang susunod. Puso naman nya ang kanyang pakikinggan.

At ang tanging sinasabi nito ay ang mahalin ang babaeng kaharap nya.

Habangbuhay.

"KATHYYYY!!!!!"

"Ay kabayo!" tumingin ako dun sa biglang tumawag sa akin at saka ko ipunukol yung binabasa kong pocket book. Naka-iwas, sayang! "Peste ka Marie, aatakihin ako sa puso sa iyo!"

"Kanina ka pa kasi tulala dyan. Nangangarap ka na naman ng gising" sabi nya habang kinuha nya yung librong pinukol ko sa kanya at pagkatapos ay umupo sa tabi ko.

Inagaw ko sa kanya yung libro. "Hindi ako nangangarap! Ina-appreciate ko lang yung bagong libro ni Ania. In fairness, havey!"

"Ang sabihin mo, tinitignan mo kung tama ba ang pagkakasulat nya sa naunsyameng love story nyo ni Bryce! Pero speaking of Ania, hindi pa rin nagpapramdam ang magaling nating kaibigan hanggang ngayon!"

Natawa ako nung mag-pout sya. Kung sabagay, may reason naman si Marie para magtampo kahit papano. Ilang linggo narin naming hindi ma-contact si Ania, ang kaibigan naming writer ng kung anu-anong kadramahang maisip nya.

Si Maricris naman mukha lang yang loka-loka pero actually, accountant yan sa isang bigtime company na pag-aari ng uncle nya.

"Ang dami mo talagang alam, Maricris, kung anu-anong pinagsasasabi mo! Anyway, bakit ka nga pala nagawi dito? Ang alam ko allergic sa ospital.'

"May dinalaw lang ako kaibigan. Eh ikaw, bakit ka nakatunga-nga dito? Wala ka bang duty?"

Tumingin ako sa wrist watch ko. May thirty minutes pa naman ako to spare. Kasalukyan kasi akong nasa garden ng ospital habang naghihintay ng shift ko bilang nurse nang biglang sumulpot out of nowhere itong babaeng to.

"Break ko." At para patunayan yon kumagat ako sa sandwich na nasa kabilang side ko. "Wala ka pa bang balita kay Saffron?"

"Isa pang missing in action yun. Palibhasa, last time I heard nasa bansa si Xander nya."

Ahh...kaya naman pala hindi ma-contact ang bruhang yun. Akala ko pa naman nagburo na naman yun sa opisina nya.

Workaholic pa sa lahat ng mga adik sa trabaho si Saffron, palibhasa malapit nang magtake-over sa company business nila.

"Oh ano, wala ka nang kakamustahin? Pwede nang sumingit?"

"Sure."

May kinuha syang puting envelope mula sa clutch bag nya saka iniabot sa akin. "May nagpapabigay."

"Sino?" I took it from her hand saka binasa ang lamang card nito. Pero hindi pa man ako natatapos magbasa ay ibinalik ko na agad ito sa kanya.

Nagtataka nya akong tinignan.

"Pakibigay nalang ulit sa kanya. At pakisabi sa pinsan mo, stop texting me!"

Sumeryoso ang mukha ni Marie. Kinuha nya yung kamay ko at inilagay doon yung envelope na ibinalik ko sa kanya.

"Mag-usap kayong dalawa ni Bryce. Parehas lang kayong nag-iiwasan eh. You both need to talk para makahanap na rin kayo ng closure. Hindi iyang parehas kayong naglalaro ng sarili nyong version ng hide-and-seek." she sighed.

The Blue Cafe (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon