sa isang tulog na malalim o mababaw
mga taong nakikita mo ng malabo o malinaw
nagmamarka ito sa puso at isip
lalo na kung sila'y nakikita natin sa ating Putol na panaginip
Isang gabi napanaginipan kita
ito ay di ko masyadong naaalala
ta'yo ay nasa silid aralan
Kasama mo ang tropa mong nagkakantahan
nasayaw at nagsasaya Kinikilig ang bawat babaeng inyong tinitignan
tinuro mo ko't ako'y nagulat
dahil tumigil ang mundo ko ng ika'y kumindat
ang lakas lakas ng tibok ng aking puso
Dahil hinila mo ang aking kamay at dinala sa koridor
lahat ay malabo pwera ang mukha mo
Mabagal ang galaw pati ang ikot ng mundo
nagsalita ka at sinabing "masaya ko"
Nginitian kita at sinabing "Sana di na matapos to"
lumayo ka sakin hanggang di na kita makita
hinintay kita hanggang umabot ng umaga ako'y nasilaw di na kita nakita
Nagising ako at nakita ang sinag ng araw
hindi pala yun nangyari panaginip lang pala
Siguro nga mas mabuti ng magising sa katotohanan
kaysa makulong sa isang malaking Kasinangalingan
Masakit man sa loob pero kailangan kong tanggapin
halata naman sigurong hanggang panaginip ka nalang saakin
masakit na umasa lang sa wala
katulad ng putol na panaginip ko
ika'y lumisan at hindi na bumalik
Siguro nga ang pagkikita natin ay mananatili nalang sa isang putol na panaginip
BINABASA MO ANG
Spoken Wound Poetry
PoetryIsang librong pwedeng basahin ng bata, matanda, teenager, magulang, attorney, politiko, drug pusher, pulis, manghoholdap, janitor, makata, tambay studyante, teacher, at kung sino mang malayang makakita ng nilikha ng Diyos na may kapal. Kung bulag k...