Saya

35 1 0
                                    

Nakakatakot maging masaya
Hindi ako yung tipo ng tao na natatakot lang sa ibang bagay tulad nila
Natatakot ako sa tuwing humaraharap sa saglit na masaya
Dahil alam kong kalaunan ito ay magiging tira-tira na lamang na alaala

Madali akong maattach sa maliliit na sandali
Mga sandali na nagbibigay sakin ng kakaibang kiliti,
Kiliti sa puso ko,
Ano kaya ang mangyayari?
Sa sandali na kasama kita, sa sandali na ikaw ay katabi,

Natatakot ako sa sandali na titibok nanaman aking dibdib
Tuwing nararamdaman ko ang kamay ko sa mga pisngi mo,
Natatakot ako sa sayang pinapadama mo
Sa simpleng pagtingin mong deretso
Deretso sa mga mata ko,

Natatakot ako na ang sayang ito ay balang araw ay magiging lungkot
Natatakot ako na ang mga matang 'to ay mabalot sa luha, at kirot,
Natatakot ako na balang araw ang pagsisimula ay magiging pagtatapos,
Natatakot ako na ang kyuryosidad na ito ay mauwi sa Pagsisi, Natatakot ako,

Natatakot ako na makita ang kalangitan
Habang nababalot sa lamig ng hangin at maalalang wala ka na sa tabi ko,
Natatakot akong ang salitang binitawan mo, mga pangako na mamahalin mo ako, ay Bawiin mo

Natatakot ako,

Natatakot akong maalala na binawi mo na ang pangako mo,

Natatakot akong makita ang mga mata mong tumitingin sa mga mata ng ibang tao,

Natatakot akong tignan mo siya kung pano kita tignan,

Natatakot ako na maalalang tapos na ang sandali kasiyahan na binigay mo,

Natatakot akong maging masaya dahil hindi na ikaw ang aking makakasama,

Spoken Wound PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon