Prologue

60 7 1
                                    

A Northern Star!

Polaris!, ito ay kuwento ng isang binatang nagmula sa makapangyarihang mundo ng Espeira. Isinilang siya na may sumpang nagbabadya sa kaniyang hinaharap, ito ay bilang kapalit sa nagawang kasalanan ng kaniyang ama sa labing-anim na mga diyos at diyosa.

Si Prinsipe Polaris mula sa angkan ng Han ay tumanda na kilala 'di lang bilang isang prinsipe kundi isang makata't mang-aawit.

Matapos ang ilang taon niya sa Espeira, muli siyang mabubuhay ngunit sa kasalukuyang panahon at ang kaniyang diwa ay maninirahan sa katawan ng binatang si Polaris Wayne Baltazar.

Ngunit matapos naman ang ilang taon lamang na paninirahan sa kasalukuyang panahon, may isang tao ang magdadala sa kaniya sa ikatlong buhay.

Papasok sa kuwento ang isang tauhang may madilim na karanasan ngunit 'di naiiba sa pinagmulan ni Polaris, ang malalim na pagtingin niya kay Polaris ang magbibigay-daan patungo sa 3rd life o ikatlong buhay at dito na magsisimula ang paglabas ng mga katotohanan na si Polaris ay 'di nag-iisa sa ikatlong buhay.

Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa kasaysayan ng buhay ni Polaris.

Halina't tunghayan ang kagandahan ng Cosmic!

Polaris: The Endless LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon