PROLOGUE

2 1 0
                                    

Kakauwi ko lang galing sa school at nakakapagod dahil ang dami kong mga ginagawa don ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay ang humiga at manonood na naman ng mga movies, watching movies is one of my hobby. Nagbihis na ako at agad na pumunta sa kusina para maghanap ng pwedeng makain. Mabuti nalang may slice bread at peanut butter sa ref kaya kinuha ko ito at kinainan na. Ako lang mag-isa ngayon kasi may mga lakad ang pamilya ko, hindi ko rin alam saan sila ngayon basta may lakad sila, nagmamadali kasi ako sa pagpunta sa school dahil malapit na akong ma-late kaya hindi ko na sila natanong.

Dinala ko nalang ang pagkain sa kwarto ko at inilagay ito sa side table. “Haysss grabe ang sarap talaga! HAHA” natawa pa ako sa ginagawa ko. Ano ba naman 'yan parang ngayon lang nakakain.

“Ano kayang pwedeng panoorin ko ngayon? Hmm” salita ko sa sarili ko. Wala talaga akong ma-isip kaya tumingin-tingin nalang ako sa YouTube.


May isang movie ang nakakuha ng atensiyon ko. Shattered by Fate? Mukang maganda to ah? Iti-nap ko ito, maganda sana ang kaso lang ay low quality dahil siguro sa tagal na nang movie na ito. Paano na'to? Ay bahala na, bored na bored na talaga ako rito.

Mga isa't kalahating oras ko rin itong pinapanood akala ko talaga hindi sila ang magkakatuluyan. Hindi kasi ako fan ng sad endings eh. Ayaw na ayaw ko talaga. Bakit pa kasi may mga movies na may sad endings eh?

Pero grabe 'yong actor sa movie na pinapanood ko kanina, ang gwapo atsaka first time ko na maka-feel ng strong connection basta mga ganoon na feeling. Hindi ko maipaliwanag ng maayos kung anong pwedeng tawag sa naramdaman ko ngayon. Ah basta ang mahalaga ngayon, ida-dagdag ko na naman siya sa mga magiging crush ko. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sakaniya. Kahit na naghuhugas ako ng kamay ko ay ngiti ng ngiti pa rin ako parang walang kapaguran.

Pagkatapos kung maghugas ng kamay at magpatuyo ng kamay ay naisipan kong i-sinearch ko ang pangalan ng actor sa Tiktok.

Silistio Carreon

Napangiti na naman ako dahil sa mga nakikita kong mga edits nya sa tiktok. “Ang gwapo mo talaga Silis! Love na ata kita eh!”

Ngiting-ngiti pa ako na nagscroll-scroll sa lahat ng mga edits nya sa tiktok. Pero agad itong napawi nang may nakita akong isang video na —na patay na raw siya at ang dahilan ng pagkamatay nito ay winakasan niya ang sarili niyang buhay. March 26, 1988 is the day when he committed suicide and that's the year na ipinanganak ako. Nabitawan ko ang phone ko dahil sa nabalitaan at agad na tumulo ang luha ko. Pumunta nalang ako sa kwarto at doon ibuhos lahat ng luha ko. Sadyang hindi ko lang talaga matanggap.

Inabot din ako nang mga 3 hours kakaiyak at ngayon ay tumigil na ako sa kakaiyak pero wala pa akong gana na magkikilos-kilos. Narinig ko rin na kanina pa dumating sila Mama.

Nakakain ako kanina dahil buti nalang binigyan ako ng kapatid ko ng pagkain dito sa kwarto ko. Nasabi rin sa 'kin ng kapatid ko na mga next week ay magbabakasyon kami sa probinsiya nila Mama.

Buong gabii akong umiyak hindi pa rin ako ma awat-awat kahit kailan talaga napaka-iyakin ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nakalipas ang 1 week ay ngayon na ang pag-uwi namin sa probinsiya. “Tapos na ba kayo? Siguraduhin n'yong wala kayong nakakalimutan dahil matagal-tagal pa bago tayo babalik dito.” paninigurado ni Papa sa amin.

“Okay na Pa.” sagot ko.

Nang makarating kami sa bahay nila Mama ay nakita namin sina lolo at pati na rin ang mga kamag-anak namin. Nagmano kami sakanila. Ayon nakipag-kwento sina Mama sakanila at ako naman ay nagpaalam na maglakad-lakad muna.

Ang ganda talaga rito matagal-tagal na rin na hindi ako nakakarating dito ah? Medyo malakas din ang simoy ng hangin. I can feel the fresh air.

Nang gusto ko nang umuwi ay bigla nalang umulan. Nagtaka pa ako dahil ang init-init kaya kanina. Nabasa na tuloy ako. May nakita akong bahay na mukhang wala nang nakatira kaya patakbo akong pumunta at doon na lamang sumilong muna. Nilingon ko ang likod ko at nakitang nakabukas ang pinto kaya pumasok nalang ako. No choice dahil mas mababasa pa ako kung hindi ako papasok sa loob. Nang pagpasok ko ay makikita agad ang living room nila at may ang mga gamit ay may nakatakip na mga puting tela. Makikita rin ang mga spider web at ang mga abong makakapal sa mga puting tela halatang wala na talagang naglilinis nito.

I looked into the one thing. At iyon ay ang tv na pang 90's hindi ito kagaya ng sa ngayon na flatscreen. Luma na rin ito, ito lang ang nag-iisang gamit na walang nakatakip na tela. I got curious kaya nilapitan ko ito. Hindi ko alam kung para saan pa ang paglapit ko, para kasi akong nitong kinukumbinsi na tingnan ito. Nagulat pa ako ng bigla itong nag-on. Napa-atras ako. Biglang may lumabas na mga text sa tv.

DO YOU WISH TO TIME TRAVEL?

  YES                              NO


Huh? Ano daw? Time travel?

“Yes”

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong umuo. Siguro sa isip-isip ko baka pwede ko siyang makita? Kahit sandali man lang. Gagawin ko ang lahat para maging masaya siya at mapigilan ang pagkamatay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transcending TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon