First day of school. Eto na ang pinakahihintay ni Nari, kinakabahan pero excited.
First time rin kasi niyang pumasok sa totoong school dahil homeschooling siya sa America.
She wants to be friends with everybody so bad na hindi niya nagawa when she was in America.
She started searching for her classroom.
Nakita niya naman agad kaya excited siyang pumasok sa loob. Nagsitinginan ang lahat ng naroon sa kanya.
"Hi.." the one with the ponytails greeted her.
"Hello!" tuwang tuwang sagot niya dito. Lumapit ang lahat ng girls sa kanya dahil nahalata ng mga ito na taga ibang bansa siya. Umupo siya roon sa likod nung nakaponytails dahil ang katabi nito'y okupado na.
"Mukha kang Chinese!" sabi ng katabi ni ponytails.
"Ah! Ikaw siguro yung pinag uusapan kanina na half japanese raw na bagong student ng school na 'to!"
Hindi naintindihan ni Nari ang mga sinasabi ng kaharap kaya nginitian niya na lang ang mga ito. Last week lang kasi siya dumating at inayos pa ang mga requirements niya dito kaya one week lang siyang nakapag aral ng Filipino language. Hindi rin siya nag ninihongo, English lang talaga ang ginagamit niya to communicate.
"Anong pangalan mo?" yung babaeng maikli ang buhok na makapal ang salamin sa mata.
Naintindihan iyon ni Nari, isa yun sa mga filipino phrase na napag aralan niya.
"I-I'm Nari Valerio.."
" I'm Suzy Garzon.." the one with ponytails.
"Ako naman si Joice tortona" - maikli ang buhok na may eye glass
"Hello! I'm Mitch Solon." katabi ni ponytails(Suzy).
Marami pang nagpakilala sa kanya at nakipag handshake pa kaya naman tuwang tuwa siya.. She's now heading to a perfect highschool life.
"Magandang umaga.."
Sabi nung gurong pumasok sa classroom. Agad namang nagpunta ang lahat sa mga napiling upuan.
"Ako ang inyong gurong tagapatnubay at guro rin ninyo sa araling Filipino.."
"Ah.. kaya pala..." narinig niyang sabi ni Mitch.
"Ako si Ginang Evangeline S. Pilar, tawagin niyo na lang akong Ginang Pilar, Magandang umaga uli sa lahat."
"Magandang umaga po Ginang Pilar!!" - malakas na bati ng lahat.
"Kung gayon, ay umpisahan natin ang klase sa pagpapakilala ng sarili sa inyong mga kamag aral... siyempre sa wikang filipino.. naintindihan ba?"
"Opo!"
"Yes Maam!"
"Yes Maam? sino yon? Walang gagamit ng wikang Ingles kapag ako'y nagtuturo, maliwanag?"
Napayuko naman yung lalaking nakataas ang buhok, halatang siya yung nagsabi non.
"What did the teacher say?" pabulong na tanong ni Nari sa katabing lalaki.
"H-Ha? S-She... She said we are going to introduce ourselves one by one in the front." bulong rin ng lalaking yon sa kanya pagkatapos ay hindi na siya nito pinansin uli.
[Hindi kasi sanay sa Inglesan ang lalaki.]
Isa isa na ngang nagpakilala ang lahat, nagsimula sa mga nakaupo sa unahan, hanggang sa si Nari na ang susunod na magpapakilala.
BINABASA MO ANG
That Stupid Guy
Short StoryNari Valerio - A Filipino - Japanese girl but born and grew in America. Hiwalay ang kanyang ama at ina kaya nang mamatay sa isang malalang sakit ang kanyang ina na kasama niyang nakatira sa states ay nagpasya siyang tumira sa Pilipinas kasama ang...