Ang katarungang nagasgas, ang pamumuhay sa impyerno
ang pag siklab ng aking utak sa pusong narahuyo.
ang kabig ng damdamin, sa haplos ng iyong kamay,
ang pagka lito ng aking isip, di na mapalagay
sa bawat yapak sa apoy, tila di nasasaktan,
ngunit ang pag wawakawak ng impyerno,
ay nagbigay ng katinuan.
ang kinabukasan ma'y di sigurado
ang katawan man ay ma baldado
magpapatuloy parin, lahat ma'y maging hadlang sa ngalan ng pagsamo,
puso'y handang masaktan sa lupa
magulpi ma't ma maltrato
di tatablan ng impyerno
kung buhay ay langit sa piling mo.
-zieghi
YOU ARE READING
Nakalimutang silid
Поэзияpara sa mga hindi pa naka wala sa pagkagapos sa pag ibig ng kahapon
