Feelings

851 9 2
                                    


Ano ang gagawin
ng pusong umiibig ng lihim
Sa isang taong
Di man lang namamansin

Araw-araw minamasdan
Bawat kilos sinusundan
Pero di man lang nag-atubili
Na lumingon sa kanyang tabi

Humahanga ng lihim
At nagtatago sa lilim
Gustuhin mang-umamin
Pero pumipigil ang dadamin

Dahil mahirap isipin
Na habang sayo'y nakatingin
Nasa iba ang iyong paningin
At ang atensyon mo'y hindi           laan sa akin

Pero dapat bang ipagpatuloy pa ang aking pagmamahal
Kung ikaw din ay may iba na ding minamahal
Ano ba ang dapat gawin
Ng pusong umiibig ng lihim

Bawat araw na dumadaan
Lalong nadadaragdagan
Pangamba sa puso't isipan
Kung ano ang magiging kahihinatnan

Paano kung yung malaman
At sa iba mo pa nalaman
Magagalit ka ba o matutuwa
Sapagkat may isang taong sayo'y humahanga

Kung di mo matanggap
Di ako iiyak sa yung harap
Kahit masakit titiisin ko
Dahil nasanay na rin ako

Ang masaktan ng todo-todo
Kahit di ko man ginusto
Ano ba namang mapapala ko
Hindi mo naman alam na nasasaktan na ako

Siguro nga mahirap isipin
Na minamahal kita ng lihim
Di masabi ang tunay na damdamin
Pero siguro ito'y mabuti na din
Kahit papaano ako'y nagmahal ng palihim

Untold SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon