Sana

186 1 0
                                    

Hindi ako perpekto
Bilang anak, bilang tao
Nagkakamali ako, madalas oo
Pero sana intindihin naman ninyo
Di lang isa ngunit napakaraming problema ko

Oo selfish pakinggan
Na parang sa akin lang nakalaan
Yung mga rason na binibitawan
Yung mga galit na nararamdam
Yung mga sakit na di maunawaan

Alam kong kayo rin ay nadaramdam
Kung bakit ganito ang naging turingan
Hindi ko naman sinasadya na mapalayo
Na magtampo, na magalit, na magpakatotoo
At sadyang kilos ay iba sa pananaw ninyo

Ngunit paano ba muling makakamit
Ang maging buo at di puro bakit
Paano ba muling makakamit
Na akoy sa inyo muling mapalapit
Kung nasa pagitan natin ay hinanakit

Hinanakit sa mga sana
Hinanakit sa mga di nagawa
Hinanakit sa di pinadama
Hinanakit sa di pinakita
Hinanakit sa pagkukulang at nawala

Hindi ako perpekto
Bilang isang anak, bilang isang tao
Pero sana makita niyo yung pagbabago
Mga kilos, salita, gawa at sakripisyo
Na mabuo ang isang bagay na imposibleng makompleto

Sana makita niyo
Sana madama niyo
Sana masuklian niyo
Sana mabuo niyo
Maskin wag na ako.

Untold SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon