Ano ang gagawin
ng pusong umiibig ng lihim
Sa isang taong
Di man lang namamansinAraw-araw minamasdan
Bawat kilos sinusundan
Pero di man lang nag-atubili
Na lumingon sa kanyang tabiHumahanga ng lihim
At nagtatago sa lilim
Gustuhin mang-umamin
Pero pumipigil ang dadaminDahil mahirap isipin
Na habang sayo'y nakatingin
Nasa iba ang iyong paningin
At ang atensyon mo'y hindi laan sa akinPero dapat bang ipagpatuloy pa ang aking pagmamahal
Kung ikaw din ay may iba na ding minamahal
Ano ba ang dapat gawin
Ng pusong umiibig ng lihimBawat araw na dumadaan
Lalong nadadaragdagan
Pangamba sa puso't isipan
Kung ano ang magiging kahihinatnanPaano kung yung malaman
At sa iba mo pa nalaman
Magagalit ka ba o matutuwa
Sapagkat may isang taong sayo'y humahangaKung di mo matanggap
Di ako iiyak sa yung harap
Kahit masakit titiisin ko
Dahil nasanay na rin akoAng masaktan ng todo-todo
Kahit di ko man ginusto
Ano ba namang mapapala ko
Hindi mo naman alam na nasasaktan na akoSiguro nga mahirap isipin
Na minamahal kita ng lihim
Di masabi ang tunay na damdamin
Pero siguro ito'y mabuti na din
Kahit papaano ako'y nagmahal ng palihim
BINABASA MO ANG
Untold Secrets
Puisi**** This is random thoughts through poems. About Life, family, hardship, studies, relationship and other things that I might think. So yeah, feel free to read. :)