Isang Linggong Pagibig

181 3 0
                                    

Isang linggo. Isang linggo na pinaramdam mong pwedeng maging tayo

Isang linggo na akala ko ay ako

Isang linggo na puno ng pangako, pero sa isang iglap ay naglaho


Akala ko iba ka sa kanila, tulad ng mga salitang binigkas mo, noong gusto mo pang makuha ang loob ko

Akala ko ikaw na ang binigay ng Diyos, ang magbibigay buhay sa kantang "Ikaw at Ako"

Akala ko ikaw na ang kokompleto sa puyang sa puso

Akala ko, Akala ko lang pala


Sa bawat matatamis na salitang inusal mo sa akin, alin doon ang totoo?

Alin doon ang totoo nung sinabi mong panghabang-buhay tayo?

Alin doon ang totoo nung sinabi mong walang iwanan hanggagng dulo?

Alin doon ang totoo nung sinabi mong mahal mo ako?

Alin doon? Alin doon ang totoo?

Sabihin mo ng may maisagot ako sa mga tanong na kahit anong isip ko sa mga bagay na maaring maging dahilan ay wala akong mahagilap na sagot.


Wala akong mahagilap na sagot


Walang sagot. Sapagkat ang pag-ibig na sinasabi mo ay may hangganan.


Isang linggo.


Isang linggo lang ako para sa iyo. 

Untold SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon