『 chapter one 』

62 5 0
                                    

date written: may 20, 2024

⚠️ sensitive topic!
self-destructive character!

⚠️ sensitive topic!self-destructive character!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇𝐋𝐄𝐒𝐒 ———-««

════ ⋆★⋆ MATAPOS ANG MALALIM NA buntong hininga ay naupo na lamang ako sa sahig. Tila ba nakatingin sa kawalan, tulala at hindi gumagalaw man lang. Kung nasa public place nga lang ako at ginawa ko ito ay mapagkakamalan na wala na akong buhay. E, ano bang pakialam ko? Mas mabuti pa nga ang gano'n, kaysa mabuhay ka nang hindi mo naman alam kung may saysay pa ba ang buhay mo.

"Tumayo ka nga! Karumi-rumi ng sahig, nakahandusay ka pa r'yan." Hindi ko siya pinapansin at nanatili akong nakahiga sa sahig.

"Astre!" May halong inis na wika niya saka lumuhod sa tabi ko. Alam ko na nakakunot na ang noo niyang nakatingin sa akin— inaabangan kung susundin ko ba ang utos niya.

"Pabayaan mo na lang ako, Owen." Walang kagana-ganang wika ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Inaasahan ko na aalis na siya at pababayaan na lang ako kaya lang ay nahiga rin siya sa sahig at humarap sa akin. We're now facing each other. Sinubukan kong ialis ang tingin ko sa kanya, subalit hinawakan niya lamang ang pisngi ko para pigilan ako.

"Umiiyak ka na naman." Alalang wika niya saka pinahid ang luha kong kapapatak lamang na umagos pa sa balingusan ko. "May problema na naman ba, or it's one of those days na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagkakaganyan ka?" Dugtong nuya habang bahagyang nakangiti sa akin.

"The latter." Tipid na tugon ko sa kanya at lumabas na sunud-sunod ang mga luha. I'm feeling so useless right now— I mean, araw-araw ko namang nararamdaman na wala akong silbi, pero mas malala lang ngayon gano'n.

"Owen?"

"Yeah?" Tugon niya habang marahan na hinahaplos-haplos ang pisngi ko.

"Bakit hindi mo na lang ako iwan katulad nang ginawa nila sa akin? Bakit kailangan mo pang manatili sa tabi ko sa halip na ipagpatuloy na lamang ang buhay mo nang hindi ako iniintindi? Hindi ba at mas mabuti pa ang gano'n? Wala naman akong kayang gawin para sa'yo. Parehas din naman nating alam na hindi sapat ang presensya ko lang. Wala pa rin akong silbi sa lagay na 'yon." Litanya ko. Nanlaki ang mata niya at napatigil sa ginagawa. Kumunot ang noo niya at bumaba ang kamay sa labi ko. He caressed it gently.

"Hindi ko gusto ang mga salitang lumalabas sa bibig mo ngayon, Astre." Pagseseryoso niya habang pinadadaan pa rin ang hinlalaki sa labi ko.

"Bakit kasi niligtas mo pa ako noong araw na 'yon? Natakot ka ba na usigin ng konsensya mo kapag pinabayaan mo ako? MAS NAHIHIRAPAN LANG AKO SA BUHAY KO NGAYON, E. SANA HINAYAAN MO NA LANG AKONG MAMATAY!!" Biglang hiyaw ko saka ako bumangon, at gano'n din naman ang ginawa niya. Mas naging seryoso pa ang mukha niya.

Hindi na tumigil ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. Tanging hikbi ko at pagtulo na lang ng luha sa sahig ang tunog na maririnig dahil sa sobrang katahimikan ng paligid.

"Siguro nga natakot akong usigin ng konsensya ko kapag pinabayaan kita..." Mahinang wika niya. "...hindi ka naman kasi talaga mag-isa, e. Marami ang nagmamahal sa'yo, kaya lang ay isinarado mo na ang puso mo para sa ibang tao kaya akala mo ay iniwanan at tinalikuran ka na ng lahat." Dugtong niya pa

Huling hikbi bago ako tumayo. "Pagod na 'ko, Owen. I'll rest now. Good night." Pag-iwas ko sa usapang iyon.

"Astre, hindi habang buhay na matatakasan mo ang katotohanan. Makinig ka naman sa akin dahil hindi palaging nasa tabi mo ako. Kailangan mong papasukin ang mga taong nagmamahal din sa'yo." Giit niya, saka ako hinawakan sa kamay para pigilan.

"Sapat ka na, Owen. Hindi ko na kayang sikmurain pa na magpapasok ng ibang tao sa buhay ko. Ayaw ko na nang argumento pa, kaya itigil na natin ang usapang ito. 'Wag mo na ipilit pa ang kagustuhan mong mangyari dahil nagsasayang ka lang ng laway at emosyon." Malamig na wika ko saka iwinakli ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago tuluyang magpunta sa kwarto para magkulong.

Nilock ko ang pintuan at saka ako nagpunta sa isang sulok ng kwarto ko. Naupo ako ro'n at niyakap ang mga binti habang patuloy na umiiyak. Wala nang pakialam kung marinig man ni Owen ang mga hikbi at hagulgol ko.

Ayaw ko nang mabuhay, bakit kasi iniligtas mo pa ako?

Ayaw ko nang mabuhay, bakit kasi iniligtas mo pa ako?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
farewell, neverland -★ owen knightWhere stories live. Discover now