『 outro 』

21 4 0
                                    

date written: may 20, 2024

Kinagabihan, parehas na araw nangpagpunta namin sa puntod ni Owen aynapanaginipan ko rin siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinagabihan, parehas na araw nang
pagpunta namin sa puntod ni Owen ay
napanaginipan ko rin siya. Nagkausap
kami panandalian at doon tuluyan na
nagpaalaman.

Pinilit niya akong mangako na
ipagpapatuloy ko ang buhay ko kasama
ang mga kaibigan ko, pero hindi naman
na niya ipinilit pang bigyan ko nang
pagkakataon si Jay dahil ipinamukha
ko na siya lang talaga ang gusto ng
puso ko.

Nang mga sumunod na araw ro'n ay
dinala ako ni Shelly sa bahay nila
Owen at ibinigay sa akin ang mga
bagay na pinaka-pinahahalagahan
niya. Nalaman ko rin na noong araw
pala na imulat ko ang mga mata ko
ay siyang tuluyan namang pagpikit
ng kay Owen.

Gusto ko rin sanang malaman
kung ano dahilan kung bakit humantong
siya sa ganoon kaya lang ay hindi ko na
kaya pang sikmurain. Baka kapag
nalaman ko ay maisipan ko pang
'wag tumupad sa pangako namin sa
isa't-isa at sumunod na lang din sa kanya.

At ayon na nga, dito na nagtatapos ang
istorya ko. Hindi man naging masaya
ang naging katapusan, ayos na rin sa
akin dahil kahit paano ay nakaranas ako
nang tunay na kasiyahan at naranasan
kong magmahal at mahalin nang tunay.

'Til we meet again, love.

'Til we meet again, love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
farewell, neverland -★ owen knightWhere stories live. Discover now