『 chapter three 』

19 5 0
                                    

date written: may 20, 2024

»»———- 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐂𝐓: 𝙁𝘼𝘾𝙄𝙉𝙂 𝙍𝙀𝘼𝙇𝙄𝙏𝙔  ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐂𝐓: 𝙁𝘼𝘾𝙄𝙉𝙂 𝙍𝙀𝘼𝙇𝙄𝙏𝙔  ———-««

════ ⋆★⋆ NAGISING NA LAMANG AKO dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ko. Sumasakit ang likod ko dahik nakatulog pala ako na nasa sulok at nakaupo sa sahig. Tumayo ako at saka nag-unat. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin si Owen na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.

"Gising ka na pala. Ayos ka na?" Alalang tanong niya habang may ngiti pa rin sa labi. Nanlalalim ang mata at para bang hindi siya natulog. Wait, parang? O hindi talaga siya natulog unabis.

"Yeah. Hindi ka na naman ba natulog? Sabi ko naman kasi sa'yo ay pabayaan mo na lang ako kapag nagkakagano'n ako. Aayos din naman ako. Sorry nga rin pala sa nasabi ko kagabi." Wika ko saka ako tumalungko sa tabi niya

"Nag-aalala lang naman kasi ako na baka ulitin mo na naman ang ginawa mo, isang taon na ang nakalipas." Papikit-pikit na siya ngunit pinipilit na gisingin ang sarili.

"Tayo d'yan, matulog ka sa kama ko. I'll sleep with you para naman makabawi ako." Nakangiting sabi ko saka siya inalalayan na tumayo. Pagpasok ay medyo nagmamadali siyang lumapit at kaagad na bumagsak sa kama ko. Wala na, tulog na siya. Hindi man lang inayos ang sarili.

Tumabi na lamang ako sa kanya saka inalis ang buhok na nakaharang sa mukha niya, tapos ay pilit kong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Gumalaw naman siya at saka ako niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ang taong ito sa tabi ko.

"You're not worthless, Astre. Hindi ka lang aware na malaki ang nagawa mo para sa akin. Kung wala ka ay wala na rin ako." Mahinang wika niya, kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakapikit naman siya. Sleep talking?

"I love you, Owen. I don't know what I would do without you."

"I love you, too, Astre. And I'm sorry..."

Bakit siya humihingi nang tawad? Magtatanong pa lamang sana ako kaya lang ay narinig ko na ang mahinang paghihilik niya. Hahayaan ko na muna siyang makapagpahinga.

⋆★⋆

Tanghali na rin nang magising ako. Wala na si Owen sa tabi ko at tanging ang malaking fox plush na lamang ang yakap ko. Naamoy ko rin naman ang mabangong pagkain kaya nang tuluyang magising ang diwa ay bumaba na rin ako.

"Kumain ka na." Nakangiting sabi niya

Naupo ako sa at pinagmasdan ang pagkain na nasa harapan ko. "Ang saya ko na may tagaluto ako. Pwede ka na mag asawa, Owen!" Pagbibiro ko, subalit napatigil siya.

"Hindi mo pa dapat iniisip 'yan." Seryosong aniya

"Why? You don't wanna marry me?" Nakangusong tanong ko sa kanya kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Kahit naman gustuhin ko ay hindi ko rin magagawa." May kalungkutan akong nadama sa sinabi niyang iyon. "Why not?" Muling tanong ko

"Astre, totoong mahal kita. Sobra! Kaya lang, ilang sandali na lang ay iiwanan mo na rin ako." Tumigil siya at humarap sa akin. Mas seryoso pa ang mukha niya ngayon kaysa sa mukha niya kagabi.

"Ito na ang oras para sabihin ko sa'yo ang totoo, yeah?" Binitawan niya ang hawak niyang sandok at saka inalis ang suot na kitchen gloves. Tinanggal niya rin ang apron na suot at saka naupo sa harapan ko.

"Anong totoo? Bakit, hindi ba totoo ito?" Patawa-tawang tanong ko

"Astre, hindi ako ang nagligtas sa'yo. Wala ako noong araw na pagtangkaan mo ang buhay mo. At ang unang pagkakakilala natin sa hospital... lahat 'yon ay hindi totoo." Paliwanag niya

"I don't get it. Ano bang nais mong iparating?" Takang tanng ko. Kung hindi siya ang nagligtas sa akin ay sino? Kung hindi rin totoo ang lahat, bakit tugma naman sa pangyayari ang lahat?

"Love, I am not real. You're just dreaming for a long time, and I think it's time to wake up and face the reality." Natawa na lang ako sa sinabi niya at nag-umpisa na namang umiyak.

"Hey, Owen. I am not dreaming, okay? You are real, I am awake, and this is definitely my reality." Madiing wika ko sa kanya

"Astre, listen to me—"

"NO! BAKIT BA PINAGTUTULAKAN MO AKO PALAYO SA'YO?! KUNG AYAW MO NA, SABIHIN MO NA LANG KAYSA KUNG ANU-ANO PA ANG SINASABI MO!" Sigaw ko sa kanya, making him flinch a bit

"DAMN IT, ASTRE, YOU'RE JUST DREAMING!! NAKATUGMA MAN SA NANGYARI SA'YO ANG LAHAT... HINDI ITO TOTOO! PANAGINIP LANG ANG LAHAT MULA SA AKIN HANGGANG SA PAG-UUSAP NATIN NA ITO!" Sigaw rin niyang pabalik saka napasabunot sa buhok niya.

"Owen naman, bakit ba? 'Wag mo namang gawin sa akin ito oh." Makaawa ko

"Astre, please let go of me and wake up. Marami ang naghihintay sa'yo at kasama na ro'n ang tunay na nagligtas ako. Pinanatili ko lang ang buhay mo, pero hindi habang buhay na narito ka. May hangganan ang lahat." Umiiyak na rin na wika niya

"Owen, I can't and I don't wanna go back. Hindi ko kaya na wala ka."

"Kaya mo— kayanin mo, dahil sa oras na imulat mo ang mata mo ay wala na ako sa tabi mo. Pero nakakasiguro ako na may taong handang magmahal sa'yo katulad ng pagmamahal ko sa'yo— tao na handang hawakan ang kamay mo para samahan at suportahan ka. Alam ko na hinding-hindi ka rin niya iiwanan. Gustuhin ko man na dumito ka lang ay hindi pwede. Sobrang sakit din sa akin nito, pero kailangan mong gumising at iwanan ako."

"Owen, no, please..."

"Don't worry. we'll see each other again. In another life, maybe?" Nakangiti pang aniya. Nagawa niya pang magbiro.

"No, I beg you..."

"I love you, Astre. I will always love you."

"OWEN!"

"I'm sorry, Astre. Goodbye."

Bakit paunti-unti na siyang naglalaho? NO! NO! PLEASE NO!! OWEN! Owen...

⋆★⋆

Muli akong nagmulat ng mata at bumungad na naman sa akin ang liwanag at puting kisame. "Gising na si Astre!!" Dinig kong hiyaw ng isang babae.

No, ibalik niyo ako!! Ibalik niyo ako kay Owen! Ayaw ko rito!

Ramdam ko ang mainit na luhang umaagos sa pisngi ko, subalit ni hindi ko magawang magsalita o gumalaw man lang. Wala akong lakas. Iba-ibang mukha ang nakita ng mga mata ko subalit walang tumugma ni isa sa deskripsiyon ni Owen. Wala nga talaga siya— wala na siya. Si Owen ang kailangan ko at hindi ang mga taong ito! Hayaan niyo na lang akong matulog ulit!

Owen, where are you? I need you...

Owen, where are you? I need you

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
farewell, neverland -★ owen knightWhere stories live. Discover now