Ding
Ding
Ding
Sunod sunod na message sa akin sa Facebook at pagkakita ko si Tay (Tey)
"Kuya, dyan ka?" ang kulit ng batang ito kuya ng kuya.
"Wala ako dito." sagot ko sa kanya
"Kuya naman eeeee!!!!!"
"Tay I told you it's Dean. Isa pa, hindi na talaga kita kakausapin."
"Ok, Dean kung Dean. Do you have time for me?" seryosong tanong niya.
"I can find time for you." sagot ko sa kanya.
"Pwede mo ako sunduin dito sa school ngayon?" sunod niyang tanong.
"School? bakit? bakit diyan? di ba pwede tayo magkita sa ibang lugar na lang. I'll pick you up from there"
"Dean please, I just can't move. I'm crying here, while typing. I am so hurt."
"Ano bang nangyari Taylor?"
"Kwento ko na lang mamaya. Pwede sunduin mo na ako. please. I can't take this anymore."
"Ok I am coming"
I drove from where she is as fast as I could. Ramdam ko sa bawat salita niya ang sakit, nakikita ko ang bawat luhang pumapatak mula sa mga mata niya, kahit wala ako sa tabi niya. Hindi ko napansin kung gaano katulin at kabilis ang andar ng kotse, ang nasa isip ko lang kailangan ako ni Taylor. Wala pang isang oras ay naglalakad na ako sa loob ng campus, hinahanap siya. natigilan ako ng makita ko siya nasa may catwalk nakayuko, tila umiiyak pa din.
"Tay?" tawag ko pagupo sa tabi niya.
"Dean, ayoko ng pumasok. akala ko kaya ko na, pero nang makita ko sila harapan gumuho yung mundo ko. hindi ko na kaya. ang sakit sakit. sakit sakit sakit." iyak siya ng iyak habang nakayakap sa akin, halos mapunit ang damit ko sa higpit ng hawak niya, puno ng sakit at galit.
"Tay hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo kayanin ang mga nangyayari. Masyado pang sariwa yung sugat diyan." Tinuro ko ang kanyang puso.
"Bakit ikaw kaya mo?" tanong niya. napayuko na lang ako at napaisip, kaya ko na nga ba.
"Guys, look who's here? Mr. Dean Villareal with the loser Taylor Antonio. Talagang nagsama pa kayo. Nakakatawa. Parehas iniwanan, pagkakaiba lang yung isa hindi kayang panindigan at yung isa pinaglaruan." at dahil doon tinignan ko ang taong nagsalita mula sa likod ko.
"Charles Javier, it's nice to see you again. Nakagraduate na ako't lahat g*go ka pa din. In fairness consistent ka pa din." may yabang sa tono ng boses ko
"Well, Villareal at least ako hindi nag*go, hindi napaniwala, at kayang panindigan." at dahil doon nagulat ang lahat ng bigla na lang bumagsak si Charles sa harapan ko. Hindi ko napigilan, hindi ko pinigilan. paglingon ko para alalayan si Taylor para makaalis na kami, andun siya, si Camille nakatayo. Nakita ko ang luha sa mga mata niya, yung sakit.
"Dean" tawag niya sa akin.
"Don't you dare, Camille. I've had enough, wag mo ko pilitin baka masaktan ka" at tuluyan kaming lumabas ni Taylor sa campus at dalawang guard na umawat sa amin. nakita ko na lang na inalalayan niya si Charles tumayo.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect
RomanceAccording to Yahoo Imperfectly Perfect It is like an oxymoron. Contradictory word. Even though something is flawed or defective, it's still PERFECT. well FOR ME but for many IT'S NOT. FOR HER... Kw...