Tinotoo nga ni Taylor ang plano niya. And andito ako ngayon sa isa pa niyang school meroon siyang
baking class, pero hanggang ngayon wala pa siya dito.
"Nasaan ka na? akala ko ba 8am, 9am na." inis kong sabi sa kanya.
"Dean, patience. Nandyan na. ito na nagtaxi lang kasi ako." Sagot niya sa akin at nakita ko nga na
pababa siya.
Pagkababa niya naglakad siya papunta sa akin. Pero parang tumigil ang mundo ko, blur ang paligid
ang tanging nakikita ko lang ay siya at ang mga ngiti niya. Naramdaman ko na lang tinapik niya ang
balikat ko.
"Oy! Tara na." tsaka lang bumalik ang ulirat ko. Umakyat kami sa isang room, andun yung mga
kasama niya, kaklase. Nakita ko na lang na may kausap siya.
"Tara na." tawag niya sa akin.
"Suotin mo ito." Sabi pa niya. Agad niya sinuot ang apron sa akin at tinali ito sa baywang ko.
"Teka, ano ito? Tay, wala sa usapan ito. At usapan tutulungan kita hindi ikaw.." pinutol niya ako sa
pagsasalita
"Usapan Dean magtutulungan tayo." At sabay ngiti.
Hindi na ako nakakibo. Naisip ko na lang napasubo ako sa sitwasyon. Akala ko madali lang lahat,
pero wala sa plano yung nararamdaman ko.
"Dean, are you ok? Nag-Jot down notes ka, kasi next week magbe-bake ka." Sabi niya sa akin.
"Ano?!?!?!!?" gulat kong tanong sa kanya.
"Next week na tayo magbe-bake."
"Taylor I won't do that. Ni hindi nga ako marunong magluto, bake pa kaya. At saka ano ba ito? Wala
sa usapan natin ito. Ako tutulong sayo. Wala akong problema, kung ganito lang din yun, ayoko na.
Idaan mo na lang yung pagmo-move on mo sa pagbe-bake.'
"Dean.." mangiyak ngiyak niya binanggit ang pangalan ko. Nakita ko yung sakit muli sa mata niya.
Ang tanga ko lang kasi nasasaktan ko siya.
"Tay..." iniwan niya ako nakatayo. Tumawag siya ng taxi, at tuluyang umalis. Anong ginawa mo
Dean.
It's Monday. It's been two days. Ni hi ni ho wala mula kay Taylor. I'm freaking worried pero nahihiya
ako magpakita sa kanya. Nasan kaya siya ngayon? I tried calling her yesterday pero hindi niya
sinasagot. Bigla na lang may pumarang kotse sa harap ko.
"May hinihintay ka?" tanong ni Taylor. Yes siya nga, nakangiti, parang walang nangyari.
"Do you still want to help me?" tanong niya.
"Yes." Walang kagatol gatol kong sagot.
"Come with me." Pagkasabi niya nun, hindi ko alam pero kusang naglakad ang paa ko at sumakay sa
sasakyan niya.
Papunta kami ngayon sa bahay, oo masama loob ko sa lalaking ito dahil sa nangyari sa baking class
ko, pero malaki din naitulong niya for the past 3 months. Andun yung araw araw sinusundo niya ako,
nagdadala ng food sa school, nawala na yung takot niya pumunta doon, dahil siguro naisip niya
obligado siya dahil andun ako.
Tinuruan niya ako maging safe driver, magpark, tinuruan ko siya magmotor. Gumigimik na kami,
umiinom na din sya. Yung pagiging careless nabawasan, I can control my emotions. Maging patient,
pero siya ata ang nauubusan ng pasensya. Napapangiti ko na siya, hindi na siya masungit. Minsan na
lang.
"I'm sorry" sabi niya, agad naputol ang mga iniisip ko.
"Ok lang yun." Maiksi kong sagot
"No, really. I'm very sorry. I acted rude." Nagulat siya ng huminto ako sa harap ng bahay.
"Tay, anong ginagawa natin dito?"
"Pasok ka. It's been 3 months, pero hindi ka pa nakakapasok dito sa bahay. Now, I welcome you here
kung saan witness ang apat ng sulok ng bahay na ito ang pagiyak ko. Pagbagsak, pagtayo ko,
pagbangon ko."
"Bakit?"
"Kasi sa tatlong buwan ikaw kasama ko. Nakilala natin ang isa't isa, witness ka din sa mga luha ko, at
ngayon pagbangon ko." Naglakad ako papuntang kitchen agad naman siyang sumunod.
"At dahil din dito." Hawak ko ang mga baking materials ko. Ngumiti siya.
"Ano ba ibebake natin?" tanong ni Dean sa akin, sabay ngiti.
Napangitiako sa sinabi niya dahil agad niyang naintindihan ang ibig kong sabihin. Hindiko
maipaliwanag pero alam ko lang Masaya ako kasi may karamay ako, at alam kohindi niya ako iiwan,
hindi ngayon, hindi kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect
Storie d'amoreAccording to Yahoo Imperfectly Perfect It is like an oxymoron. Contradictory word. Even though something is flawed or defective, it's still PERFECT. well FOR ME but for many IT'S NOT. FOR HER... Kw...