Chapter 6

37 3 1
                                    

"Pare kelangan mo pa ba gawin yun? Paano kung hindi siya lumabas? Paano kung umuwi na?" sabi ni Josh, inimbitahan ko ang tropa. Alam ko matutulungan nila ako, ngayon ko lang ginusto na mag-move on kaya agad silang pumayag. Kinuwento ko na din sa kanila si Taylor which hindi sila approve pero kelangan ko gawin ito kaya hindi na sila tumutol.



"Josh, pre I'm sure about this. Kung di man siya lumabas or what, ako gusto ko. Gusto ko na baguhin buhay ko." Paliwanag ko sa kanya.



"Dean is right Josh. Hayaan na lang natin siya, ang importante andito tayo." Singit naman ni Jessie.



Nakita ko na lamang tumatakbo si Arvin papalapit sa amin.



"Guys, you won't believe this." At tumingin siya sa likod. At doon nakita naming pababa si Taylor, wala siyang dalang gamit. Halata sa mukha niya na may hinahanap, at ng makita niya ako agad siyang ngumiti na siya namang pagtango ko, meaning tama lang ang ginagawa niya.



"I told you. She'll do it. I may not know her long but sa qualities niya I know she trust me enough." Sabay tapik ko sa tiyan ni Josh at Arvin. Agad ko siyang nilapitan nakita ko kasi na may lumapit sa kanyang mga lalaki marahil magpapakilala.



"She's with me." Sabay hawak ko sa kamay niya at hinila palayo sa mga lalaki.



"I'm glad." Sabay ngiti ko sa kanya.



"Napagisip ko sayang itong chance na ito." Hinila niya ako para tumigil sa paglakad. Tinignan niya ako sa mata ng malalim "You'll help me right?" tanong niya muli.



"Of course, I won't leave. Let's go." Ikinawit ko ang kamay niya sa braso ko.



Naglakad ako papalapit sa mga kaibigan ko. Alam ko kilala nila si Taylor sa pangalan, sa mukha minsan din naman nila ito naging kaklase, pero the whole her, not really.



"Ok ok. Now what's next?" sabi ni Arvin



"Guys, I want you to meet Taylor Antonio." Nakipag shake hands naman sila agad.



"It's nice meeting you, Taylor. So halika kuha tayo ng drinks dun." Inaya siya kaagad ni Jessie Kaya umalis sila ulit



"So gusto mo ba talaga siyang tulungan o gusto mo siya?" tanong ni Josh.



"Look guys, masyado pang maaga. And gusto ko siya tulungan para hindi niya maranasan yung hirap na naranasan ko. So gusto ko mag move on sya kaagad, sa tulong ko, sa tulong natin."



"May common denominator naman sila, Si Charles." Sabi ni Arvin. Galing talaga humirit nito hindi mo alam kung wala lang sa kanya yun o sadyang nangaasar lang.



"And we're back. Ano pinaguusapan niyo?" sabi ni Jessie



"wala. Tara na mahal sayaw tayo. Vin, Dean dun muna kami" agad pumunta si Josh at Jessie sa gitna.



"Pre, lakad lang ako hanap ng chicks." Nagpaalam na din si Arvin. Dakilang babaero.



"So Taylor, what made you stay?"



"You." Nagulat ako sa kanya na halos maibuga ko ang iniinom ko.



"What I mean is I wanna start all over again. Tulad ng sabi mo"



"Good decision. I won't promise anything. But we'll make things right." Tatango tango lang siya.



"I know. Dito lang ako." Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa amin. Parang may anghel na dumaan. Di ko namalayan nakatitig lang kami sa isat isa.



"I'm Dean Villeareal. 23 yrs. Old. Single. And you are?" nilahad ko ang kamay ko para makipag-kamay



"Taylor Antonio, 4th yr College, 20 yrs. Old. Single. It's nice to meet you Dean." Sabay ngiti niya. Yung nakakadalang ngiti, genuine, yung hindi mo maiiwasang mapangiti din.



"So Dean ganyan ka ba talaga? Formal. Nasa party ka pero look at your actions"



"Matagal tagal na din kasi ako di nagparty so, hindi na ako sanay."



"Or hindi ka talaga nagpaparty. Boring."



"No I'm not."



"KJ"



"Taylor hindi. I'm just acting on my age."



"Dean bata ka pa."



"Basta."



"Ako naman pagbigyan mo, lahat ng naexperience ko gawin, gagawin mo. Lahat ng ginagawa mo, gagawin ko. Deal?"



"No. I won't"



"Yung actions mo, iba sa akin. Bata ka pa."



"Halos 3 years lang agwat natin bata ka pa din. Whether you like it or not you're going my way. And I'm going yours."



Napalunok ako sa sinabi niya. Taylor is just 20, hindi ko alam kung kayak o makpagsabayan sa kanya. And tama siya I'm boring. My life's boring. And I want some changes in my life. So let's see.

Imperfectly PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon