It's been 3 weeks, nasa garahe parin nila ang kotse ni Abre at kahit isa wala silang nakukuhang balita tungkol dito. Si Christos naman hindi muna bumalik sa ibang bansa dahil kailangan sya nito ng pamangkin nya lalo na wala sa katinuan ang ina nito. Araw-araw itong tulala, hindi kumakain at hindi umiimik. Kumakain man ito pero tig tatlong beses lang ng subo.
She missed Abre so much that she forgot that she had a daughter.
Narinig nyang may kumatok sa pinto pero hindi sya nagsalita. Humarap sya sa kabilang side ng kama nya at mahigpit na napahawak sa kumot nito.
"Adriana?"
"Kain ka muna oh nagdala ako ng pagkain."
Naramdaman nyang umupo ito sa kama.
"Kapag nalaman ni Abre na ganyan ka sa tingin mo ba masaya sya?"
Nagsimula na namang manubig ang mga mata nya.
"Kaya sige na bumangon kana." hindi parin sya gumalaw at mas lalo itong napahikbi.
"You know what I envy Abre." pagsisimula nito. "Kasama mo ako sa halos labing-isang taon pero hindi mo ako nagawang tapunan ng tingin. Si Abre na ilang buwan mo lang nakasama, ang laki na ng epekto sayo. But I can't blame you— it just like sana ako sya, sana ako yung mahal mo kasi pangako naman na hindi ako aalis sa tabi mo." bumangon sya sa pagkakahiga at ngayon ay magkaharap silang dalawa ni Dominik.
"Na appreciate ko ang lahat ng ginawa mo sakin, na appreciate ko yung taon na ikaw ang kasama ko at tumayong ama kay Autumn. Lahat yon malaki ang pasasalamat ko pero sorry— si Abre talaga eh. Abre ang mahal ko, Dom."
Dominik smiled sadly. This is the first time that he heard it from Adriana. He knows that he will be rejected but he needs to face and hear that from Adriana so that he can accept in himself na hanggang dun lang sila, na wala talaga syang pag asa.
Ngumiti sya kay Adriana at ginulo ang buhok nito.
"I know, i know."
"Galit ka sakin?" lumingo si Dominik.
"I'm not. Gusto ko lang maging honest ka sakin para matanggap ko na kailanman hindi mo ako magugustuhan." he smiled. "Kumain kana, Autumn is waiting for you. Don't worry I try my best to bring Abre to you."
Nakita nya ang pagliwanag ng mga mata ni Adriana dahil sa sinabi nya and suddenly he felt pain in his heart but still he manage to smile. Kung ang bagay na yon ay ang makakapag-pasaya kay Adriana kahit ikakasakit nya— willing syang gawin yon, willing syang hanapin si Abre at dalhin kay Adriana.
Bumaba na si Dominik at iniwan si Adriana habang kumakain sa kwarto nito.
"Kuya Dom, saan ko ilalagay tong mga papeles?" tanong ni Casey na nakasalubong nya.
"Ipasok mo nalang sa kwarto ni Adriana and kapag tapos na syang kumain paki kuha nalang ng plato nya."
"Sige po Kuya."
Nang tuluyan syang makababa naabutan nya ang kaibigan nitong si Christos na nagsisindi ng sigarilyo.
"Did she eat?"
Tumango si Dominik.
"How about him? Have you check the jails?"
"Oo chineck ko na. Wala namang Contreras ang nakakulong."
Panandalian silang natahimik dalawa hanggang sa nagsalita ulit si Dominik.
"Sinabi ko kay Adriana na dadalhin ko sa kanya si Abre." natigilan si Christos at tumingin sa kanya.
"Sigurado kana ba?"
He nodded.
"She looks like a mess. Nung sinabi ko yon biglang lumiwanag ang mukha nya, ayoko syang nakikitang ganon malungkot. And if Abre will be the reason na maging okay sya, dadalhin ko ito sa kanya."
YOU ARE READING
Whispers Of Past (Completed)
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...
