00

13K 587 762
                                    

• 🏐 •

"Ish, I like you."

Ah, shit. Here we go again.

Na-misunderstand na naman ang mga salita at kilos ko. Pang-ilan na ba 'to? Pang-anim? Pito? Sampu? Hindi ko na mabilang at wala rin naman akong balak bilangin.

Huminga ako nang malalim habang paulit-ulit nang pina-practice sa utak ko ang madalas kong sabihin sa ganitong sitwasyon.

"I'm sorry but-"

Na hindi ko naman natatapos kasi it's either iiyak na sila at magwo-walkout o 'di kaya ay sasampalin ako sabay sigaw ng "Paasa ka, Ish! I hate you!"

Tsk. Kailan ba matatapos itong ganito? Nakakapagod na rin kasi. Paasa ba talaga ako? E, mabait naman talaga ako sa lahat. Iyon ay dahil mabait din sila sa 'kin. Alangan naman kasing mag-attitude ako kahit wala namang ginagawang masama sa 'kin iyong tao, 'di ba?

Maghe-hello sila, syempre maghe-hello ako pabalik. Alangan namang sabihin ko, hello how are you fuck you?

Ngingitian nila ako, syempre ngingiti rin ako sa kanila. Alangan namang sumimangot ako, e, ang ganda ng ngipin ko? Sayang naman iyong toothpaste at mouthwash na gamit ko kung hindi ko ipapakita.

Babatiin nila ako, syempre babatiin ko rin sila. Good morning ba kamo? E, 'di good morning din sa 'yo. Good night ba kamo? Mas lalong good night sa 'yo.

Bibigyan nila ako ng kung anu-anong gift? Syempre reregaluhan ko rin sila. Kahit magkano pa iyan. Hindi ko naman pera iyong gagamitin ko, e. Shoutout nga pala sa mommy ko! Pinagpe-pray ko talaga na sana bigyan ka pa ni Papa G ng lakas para mabigyan mo pa ako ng maraming allowance.

Tutulungan nila ako? Of course, hahanap din ako ng paraan para tulungan sila. Basta kaya ko at hindi ilegal, go lang.

Sweet sila sa 'kin? Mas sweet ako! Syempre hindi ako papatalo lalo na kung kaibigan ko naman.

May care ka sa 'kin? Syempre may care din ako sa 'yo. Kasi gano'n ang friends, 'di ba?

Hindi ba dapat gano'n naman talaga ang kalakaran dito sa mundo? Give and take. Kung ano ang energy na binibigay sa 'yo ng mga tao, iyon din ang ibigay mo sa kanila.

Kung mabait sila sa 'yo, maging mabait ka rin.

Pero kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay... na nasa loob ng garapon.

Ang simple naman, 'di ba?

Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit umaabot sa ganito. Iyong may nagko-confess sa 'kin ng feelings nila kasi na-misinterpret nila ang mga salita at kilos ko kahit ang totoo ay nire-reciprocate ko lang naman ang pinapakita nila sa 'kin.

Tapos kapag ni-reject ko, bukas makalawa, may kakalat nang balita na pa-fall daw ako? Na paasa ako?

Minsan nga iniisip ko kung nasa 'kin ba talaga iyong problema. Kung nasosobrahan ba ako sa mga sinasabi at kinikilos ko. Pero kahit anong isip ko, parang wala naman? O baka wala lang talagang malisya sa 'kin lahat ng bagay?

Kasi sa totoo lang, hindi ko pa naman talaga naiisip ang love, love na iyan. Iyan ang may kasalanan kung bakit sumakabilang-bahay ang tatay ko, e. Kasi mahal niya raw iyong kabit niya. Siraulong manloloko rin, e.

Anyway, iyon nga, wala pa talaga sa plano ko ang makipagrelasyon kasi feeling ko, hindi rin naman nagtatagal iyan. Okay na ako sa mga simpleng landian at harutan lang.

Ready naman ako makipagharutan na walang feelings involved pero, tangina, iyong mga nagko-confess naman sa 'kin ay puro mga babae.

That's right!

Jersey Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon