01

10.1K 622 580
                                    

• 🏐 •

"Ishmael, are you really sure you're gonna be okay?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humikab kasi sobrang antok na antok pa ako. It's freaking 6 in the morning and as a non-morning person, sobrang malaking achievement na nagising ako ngayon. Parang gusto kong patayuan ng rebulto ang sarili ko kasi usually ay 10 AM na ako nagigising lalo na kung wala naman akong pasok sa school o kung hindi naman maaga ang na-book naming flight papunta sa kung saan.

But here I am! Alive, alert, awake, and enthusiastic nang ganito kaaga! Tangina, 'di ba?

Dapat naglalaway pa ako ng mga oras na 'to, e.

Ang aga naman kasi ng schedule na binigay sa 'kin ng Easton. 8 AM! I mean, who does that? Sila lang yata.

"I'm fine, 'my, really," sagot ko kay mommy na katawagan ko ngayon. "Pangatlong beses mo na po iyang tinanong sa 'kin this week."

Tumunog iyong electric kettle kaya tinanggal ko iyon sa saksakan saka sinalin iyong mainit na tubig sa mug ko. Mukhang kape ang magiging kakampi ko for today kasi sure akong aantukin ako mamaya.

Hayop kasi itong Easton, e. Ang aga magpapunta! Pasalamat sila, willing to cooperate talaga ako. Iyong driver's license ko nga noon, kinatamaran ko pa, e. Pasalamat din sila, nasa kanila iyong apple of my eye ko ngayon.

At, teka nga, bakit ba walang coffee maker si Reena Marie dito sa condo niya? Inuwi niya siguro sa Cebu. Kadamutan, a?

"I'm just worried about you, Ish," si mommy. "Manila is different from Cebu. Mas maraming loko-loko riyan."

"J-in-udge mo agad sila, 'my," tumawa ako. "Pero kaya ko po ang sarili ko. Trust me. Malaki na po ako, 'no. I actually survived here in Manila for an entire week already and nothing happened. See? I am going to be fine."

"What if something happened?"

"Nothing's going to happen, 'my."

Pero meron yata? Once na mapapunta ko rito si Theo Yu sa condo? Napangisi ako sa naisip.

"Paano nga kung may mangyari? Hindi mo masasabi, 'nak."

Magkakaro'n talaga ng pangyayari, 'my, kapag sasamahan mo akong mag-pray na mapansin ako ng future baby ko.

"E, 'di I'll call you," malambing kong sabi at narinig ko na lang siyang napabuntong-hininga. "Okay lang po talaga ako rito. Promise! Thank you, 'my, for always supporting me. I love you so much!"

"I love you, too, my baby," she answered while giggling pero maya-maya rin ay bumuntong-hininga na naman. "Napaka-spoiled mo. Manang-mana ka sa pinagmanahan mo, Ishmael."

"Kanino po ba ako nagmana?"

"Of course, sa 'kin! Wala kang minana sa tatay mong babaero."

Natawa na lang ako saka humigop sa black coffee ko.

Nag-usap pa kami ni mommy ro'n for another few minutes while I'm also finishing my coffee. Niratrat niya lang ako ng maraming reminders about sa appliances ko rito sa condo, weekly groceries, monthly bills, na may pupunta raw dito na maglilinis every weekend, at kung anu-ano pa na habilin ng mga typical na butihing ina.

And of course, um-oo lang ako sa lahat para hindi na siya mag-alala. Though, wala naman talaga siyang ipag-aalala sa 'kin. Pero syempre, hindi rin maiiwasan na gano'n siya kasi first time ko rito sa Manila tapos mag-isa na ngayong haharap sa mga hamon ng buhay a.k.a. Easton University.

I always say na sobrang swerte ko kay mommy. Palagi siyang supportive sa mga desisyon namin ni ate sa buhay. Pero mine-make sure niya rin na nando'n lang din siya to give advice and to guide us lalo na kapag naguguluhan kami o kapag hindi na namin alam ang gagawin.

Jersey Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon