02

12.7K 628 507
                                    

• 🏐 •

"What..." gulat na sabi ni Theo.

Oops. Wrong move yata ako?

Pero ngumisi na lang ako nang malaki sa kaniya. Wala na. Nasabi ko na, e. Pero seryoso ako ro'n, a? Kung wala pang nag-aalaga sa kaniya, pwedeng pwede ako. Kaya nga ako lumipad papunta rito sa Manila para sa kaniya, e. At hindi lang alaga ang gagawin ko, pagsisilbihan ko pa siya sa abot ng aking makakaya.

Pwede ring luhuran kung kinakailangan.

Pero kung meron na siyang jowa, aba, itigil na natin ang kalandian na 'to. Isa sa mga rules ko sa buhay, kakain muna ako ng pechay bago maging kabit o bago manira ng relasyon ng iba.

Ayoko nga matulad sa tatay kong manloloko. Ew.

Pero sana talaga ay wala pa siyang girlfriend o ka-fling. Hindi ko iniwan ang Cebu para lang ma-heartbroken agad! Pero may magagawa pa ba ako kung meron? Ano, mag-abang na mag-break sila? Paano kung hindi mag-break? E, 'di marami akong time na masasayang na dapat pala ay pinadiligan ko na lang sa iba iyong natutuyot kong pichi-pichi?

Base pa naman sa survey na ginawa ko sa bird app, Easton University raw ang may pinakamaraming gwapo. Next is Westmore tapos ay iyong Polycentral. Kaya hindi rin ako masyadong nag-aalala na hindi makahanap agad ng bagong ika-crush, e.

Pero itong si Theo Yu talaga ang gusto ko, dude!

Wala nang iba! Siya talaga iyong type ko!

Pero, Ishmael, anong silbi kung wala nga siyang partner kung hindi ka naman makakapasa sa Easton?

Pero alam kong ipapasa ko iyon! Makakapasok ako as long as walang hadlang sa love story namin ni Theo!

"Meron ba? Kasi kung meron, sayang naman. Pero kung wala, let's talk. Let's get to know each other para malaman ko kung hindi ka mannequin. You know, gwapo nga pero walang substance at sustansya?"

Muntik akong matawa nang mula sa gulat ay parang naging takot iyong nasa mukha niya ngayon. Damn, ang gwapo naman matakot! But you don't have to be scared, baby.

Nasa mabuti kang mga kamay. Ang ganda kaya ng mga kamay ko. Naging hand model ako once no'ng high school, 'no. Gusto ko nga sana ipakita rin iyong mukha ko pero ayaw pa no'n ni mommy.

Pero mabilis lang ulit na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Bahagya nang kumunot ang noo saka seryoso akong tinignan. Umayos din siya ng tayo kaya mas lalong na-highlight iyong difference ng mga height namin.

Pero akala ba nitong si Theo ay masisindak ako ngayon sa ginagawa niyang intimidation? Asa, dude!

Never akong mai-intimidate sa 'yo, baby. Kahit anong gawin mo, hot sa paningin ko. Lalo na ngayon na ang dominant mong tignan! Mas lalo kang hot! Tinalo pa ang summer!

Shit na malagkit naman talaga, Theo Yu.

Lumaki ang ngisi ko. "So, ano? May nag-aalaga na ba sa 'yo?"

"Sorry," sagot niya na ikinakaba ko. "But I don't date boys."

"Oh," sabi ko saka natawa. "Kinabahan naman ako sa sorry mo."

Pero ang layo ng sagot niya, a? Ang assuming pala ng isang 'to? Ang advance din mag-isip! Date agad, Theo? Pwede naman pero ang bilis, a? Paano pala kung nautusan lang ako tanungin siya kung may partner na ba siya o wala? E, 'di pahiya sana siya ngayon?

Tsk. Pasalamat ka talaga, babe, cute ka. Siya talaga iyong mga tipo na mapapatawad mo agad kahit assuming, e. Kaunting beautiful eyes lang ng chinito eyes niya, ikaw na lang ang magso-sorry kahit wala ka talagang kasalanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jersey Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon