Chapter 11

104 2 3
                                    

pasensya na kung matagal ang update...

malapit na kasi ang pasukan kaya medyo busy na...

anyways...

------------------------------------

Chapter 11

(Ailene's POV)

"Coach! Di niyo pwede palitan si Cedric! Last year na namin," pakiusap ko kay coach.

"Match lang naman eh. Kung mananalo si Cedric, sa kanya pa rin ang pagiging captain."-coach

"Eh paano na po yung team? Bagong salta lang si Louis. Parang unfair naman kay Cedric yun," sabi ko na may halong inis sa boses ko.

"Magaling ang boyfriend mo at alam kong sinusuportahan mo lang siya. Ang sa akin lang naman ay yung para sa ikabubuti ng team."-coach

Napa-buntong hinga ako. Kanina pa kasi ako nakikipag-debate kay coach. Hindi ako payag na maging captain si Utot. HINDI!!!

"Ailene, tama na. May point naman si coach eh."-Cedric. Hindi na siya naka-jersey. Naka white t-shirt na lang siya saka yung pants ng uniform ng mga lalaki.

"Paano yung team mo? Maninibago sila."-ako

"Kinausap ko sila. Sabi nila, kung ano man ang mangyari, okay lang sa kanila."-Cedric

Two against one. At hindi ako makapaniwala na okay lang kay Cedric ang lahat.

"Paano na yung teamwork niyo? Paano kung di pala siya karapatdapat?"-ako

"Nakita mo naman siya maglaro di ba? Kaya niya akong talunin. Palagay ko naman ay kaya niya ang responsibilidad."-Cedric

"Ah basta! Gagawin ko ang lahat para di niya magawa ang gusto niya."-ako

Padabog akong umalis sa office ni coach. Itinulak ko ang pinto ng malakas kaya naman tumama ito sa pader. Nakakainis! Humanda sa akin si Utot. Sasabutahin ko ang mga plano niya.

----

(Louis's POV)

Nandito ako sa tapat ng office ni coach. Nakakahiya man sabihin, nag-eavesdrop ako sa pag-uusap nila.

Narinig ko ang pag-uusap nila at sa bawat sigaw ni Potpot, natatawa na lang ako. Hahaha! Galit na galit eh!

Maya-maya pa, nakita ko si Cedric malapit sa office.

"Louis! What are you doing here," tanong niya.

"I wanted to talk to coach but it seems like your girl is a little cranky."-ako. Ba't ako nag-english sa kanila? Dahil nga part to nang agreement ko kay Pot. Siguro magtatagalog din ako next month. Pwede din naman na kunyari magpapaturo ako sa mga 'fans' ko kung paano magtagalog. Wala lang. Trip ko lang ang mag-english. It's part of being mysterious. ;-)

"Well, I better get inside," sabi niya.

"Sure! No prob."-ako

Pumasok niya sa loob. Ako naman si mr. eavesdropper, nakikinig sa mga pag-uusap nila.

"Ailene, tama na. May point naman si coach eh."-Cedric. Hindi na siya naka-jersey. Naka white t-shirt na lang siya saka yung pants ng uniform ng mga lalaki.

"Paano yung team mo? Maninibago sila."-mukhang boses ni Pot yun.

"Kinausap ko sila. Sabi nila, kung ano man ang mangyari, okay lang sa kanila."-si cedric naman yun.

"Paano na yung teamwork niyo? Paano kung di pala siya karapatdapat?"-pot

"Nakita mo naman siya maglaro di ba? Kaya niya akong talunin. Palagay ko naman ay kaya niya ang responsibilidad."-Cedric. Kaya ang responsibilidad? The heck! I'm better than Cedric in soccer. That I know for sure.

Away, Walang Bati(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon