Chapter 12

108 2 2
                                    

wahh! mukhang matatagalan ang iba kong updates...

tumaas kasi bill ng kuryente namin kaya baka medyo maging palikdang-likdang ang updates sa story..

isa pang reason ay dahil isa lang ang computer sa bahay...

marami akong kahati kaya ang hirap...

TT__TT

--------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12

(Ailene's POV)

Grabe! Ang intense ng laban!

Parehong 2-2 ang score ng magkabilang team.

Pareho silang magaling!

Nandito na nga pala ako sa bleachers, suot ang trench coat na panakip ko sa nakakahiyang cheering outfit. Nakakainis nga kasi ang daming pumuna! Natapos lang yung mga pang-aasar nung nagsimula na yung game. Di ko naman talaga susuotin tong yellow cheering outfit na to eh! Pinilit lang ako ni Jess at Dani. Take note: kay Dani ang outfit. Marami pa siya nito. Yung iba, mas daring pa. Hindi naman siya kasali sa cheering! Saan naman kaya niya nakuha ang mga iyon? Parang di ko na gustong malaman kung saan niya ginagamit yun!

Grabe! Makapigil hinga ang laban!

Kasalukuyang na kay Cedric ang bola. Malapit na ang time. Mga 1 minute na lang at tapos na ang game.

Nakakapit ako sa kamay ni Dani at Jess. Pigil talaga! Paano kasi, dito nakasalalay ang pagiging captain ni Cedric.

Hala! Hinarangan si Cedric! Sumipa yung lalaki! Pero, tumalon si Cedric kasama yung bola. Patuloy siya sa pagtakbo. Bantay sarado siya sa lahat!

Napatayo ako.

Malapit na kasi si Cedric sa goal. Nung sisipain niya na yung bola, may isang lalaking napakabilis na pumigil dito. Si UTOT!!!

PWEH!!!

Ibalik mo yung bola kay Cedric!!!

"Louis! Pag nanalo ka, magsisisi ka," bigla kong sigaw. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin. Hindi pwede manalo si Utot!!

Tumakbo si Utot patungo sa goal nila. Habang tumatakbo siya, nakita ko siyang tumingin sa akin at ngumiti. Teka, tama ba yun? Ah! Hindi siguro! Namamalikmata lang yata ako.

Ang tulin ni Utot! Nalampasan niya yung mga bumabantay sa kanya! Todo habol naman yung iba! Mamaya pa, nakahabol na rin si Cedric.

10 seconds to go.

Nasa harapan na si Cedric, binabantayan si Utot. Tumakbo si Utot, si Cedric tumakbo sa harapan para pigilan siya.

Sinipa ni Utot ang bola!!

WAIT!!!

BULAG BA SIYA...

O...

GUSTO NIYA LANG...

PATAMAAN SI CEDRIC...

SA MUKHA?

"CEDRIC!!!"-ako

Lumipad ang bola ng matulin padiretso sa mukha ni Cedric ng biglang...

mag-curve yung bola...

at nadaplisan ang buhok niya.

GOAL!!

Huh?

Anong nangyari?

Tama ba yun?

Away, Walang Bati(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon