Chapter 7

146 4 3
                                    

wahaha!!!

anyways... salamat sa mga readers na patuloy na nagbabasa...

at this point, medyo baliw na ako...

wala kasi akong model para kay Louis... masyado syang perfect sa isip ko na walang nag-fit sa mga description niya..

anyways, nasa gilid ang isa sa mga choices ko as cedric... di pa siya final pero yan muna for the meantime....

hindi ko kasi mahanap yung dapat... pero kung iisipin...okay na rin siya ^___^----------------------------->

what? eh sa fan ako eh!! whahaha!!!

--------------------------------------------------------------------

Chapter 7

"WWAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"-ako

Napaupo akong bigla mula sa pagkakahiga. Hindi ko inaasahan na makarinig ng malakas na hard rock music with matching screams sa loob ng aking kwarto. Mula sa mahimbing na pagkakatulog, namulat akong bigla. Paano ba naman? Pagtingin ko sa kanan ko at kaliwa, may dalawang malaking speakers na nakatapat sa aking tenga. Agad ko rin tinakpan ang aking tenga. Nung walang talab, kumuha na ako ng dalawang unan at ipinantakip ko sa aking mga dumudugo (exaggeration) tenga.

Tumingin ako sa harapan ko at nakita ang nakakainis na tao na nakangisi. Sarap ibato sa kanya ng speakers!

"Wakey, wakey! Potpot, don't oversleep at noon," asar niya habang tumatawa.

Tinignan ko siya ng masama. Yung tingin na nagbabanta.

"Patayin mo na," sigaw ko sa kanya. Ang lakas kasi eh!

"Gising ka na ba," asar niya pang tanong.

"GAAAAAAAHHH!!!"

Tumawa pa siya ng malakas bago niya tuluyang patayin. Sobrang sakit ng tenga ko! Hanggang ngayon, parang kumukulog pa rin sa loob!

Naririnig ko pa rin siyang tumawa. Naisip kong itapon ang dalawa kong unan sa kanya. Naiwasan niya ang isa habang nagawa ko siyang patamaan sa ulo sa pangalawa.

Tumatawa pa rin siya ng malakas. Halos namumula na siya sa kakatawa. Nakakainis!

Dahil sa galit, di ko na namalayan kung anong mga ginawa ko. Tumayo ako sa higaan at tumakbo bago tumalon paalis dito. Tapos, itinulak ko si Utot hanggang sa natumba na rin siya. Nasa taas ako habang nasa ibabaw ako. Ginamit kong pang-alalay ang dalawa kong kamay habang nakasampa ako sa kanya.

Nakatingin ako ng direkta sa kanyang mukha. May dalawang dangkal na layo ang mukha namin sa isa't-isa pero dahil sa galit, di ko ito pinuna. Nakita ko sa kanyang mukha ang tuwa dahil sa mga ginawa niya. Itinaas ko ang aking kanan na kamay at itinupi ito at ginawang kamao.

"You're so dead Louis," sabi ko sa kanya habang galit.

"And what, try to kill me with your little fist," asar niyang tanong.

"No! But thanks for the idea anyway," I told him angrily.

Itinutok ko ang aking kamao sa kanyang kamay at saka ito binitiwan. Imbis na sa mukha niya tumama, nagawa niya itong harangan gamit ang isa niyang kamay.

"Chill," sabi niya.

Binawi ko ang kamay ko at padabog na umalis sa kwarto. Nagtungo ako kaagad sa sala at naupo sa sofa. Buti na lang at may throw pillow. Agad ko itong kinuha at inilagay sa mukha ko at saka sumigaw ng malakas.

"Sige! Isigaw mo lang yan. Pinasadya ko talagang gawing sound proof ang unit na ito para hindi maka-disturb sa neighbors," asar niyang sabi sabay bungisngis.

Away, Walang Bati(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon