Kabanata 6

3.3K 130 0
                                    

Tahimik akong naglalakad patungo sa waiting shed. May mga bata akong nakasabayan sa daan na naghahabulan patungo sa primary school na malapit sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Malalim ang aking bawat paghinga, tila kinakapos ako ng hangin kahit malakas ang ihip nito.

Nang matanaw ko ang waiting shed ay bumagal ang lakad ko.

Nandiyan kaya siya?

Halos tinatakpan ng mayayabong damo ang likod na parte nito kaya hindi ko maaninag kung may taong nandoon.

Tila nabunutan ako ng tinik pagkadating ko at makitang walang tao, o walang Gian na naghihintay.

Pinagmasdan ko ang kabilang parte ng waiting shed kung saan siya madalas pumwesto. Simula nang i-send sa akin ni Julie ang stolen picture noong oath taking ceremony ay lagi ko na lang naiisip ang bawat interactions namin.

Paano kung totoo nga na may feelings na ako sa kan'ya?

Pero hindi ko siya gaanong kakilala.

Ang pangalan, grade level, at iba pang impormasyon na galing kay Julie lang ang alam ko. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong ugali niya. Ang alam ko lang ay may pagka-snobber siya sa unang pagkikita namin. Hindi naman pwedeng magigising na lang ako na crush ko siya.

It doesn't make any sense.

"Miss, sasakay po?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil hindi ko napansin na may pumarang tricycle sa harap ko.

"Opo," sagot ko at sumakay na.

Pagkadating ko sa campus ay saktong tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Inabot ko sa driver ang bayad ko at mabilis na naglakad palapit sa gate.

"Arianne!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Julie na pababa ng tricycle. Lumapit agad siya sa akin kaya sabay kaming sumunod sa pila papasok ng campus.

"Good morning, Julie."

"Good morning!" tugon niya. "May good ba sa morning mo ngayon?"

I glared at her. Mukhang may plano pa siyang tuksuhin ako nang ganito kaaga. Mahina niya akong siniko sa tagiliran kaya siniko ko rin siya pabalik.

"Nakikita mo iyon?" tanong niya at ngumuso.

"Alin?"

Inangat ko ang tingin ko. Sa kabilang parte ng gate ay nandoon si Gian at iilang estudyante na mga SSG officers din.

"Starting today, magbabantay na ang mga SSG officers sa gate para hulihin ang latecomers, hindi nakasuot ng uniform, walang ID, at iba pang against sa school rules. May corresponding penalty ang lalabag," paliwanag ni Julie.

Tumango ako. Nasa kan'ya ang buong atensyon ko habang pilit iniiwasan na mapalingon ako kay Gian o makita niya ako.

"Kaya ikaw, huwag kang magpapahuli," makahulugan niyang wika bago siya bumaling sa direksyon na iniiwasan ko.

"Good morning, officers!" bati niya.
Dahil sa ginawa niya ay mabilis akong naglakad. Mabuti na lang ay hindi ako hinarang ng SSG officer na malapit sa akin.

"Uy, Arianne! Hintayin mo ako," tawag ng kasama ko pero diretso pa rin ang lakad ko at hindi na lumingon pa pabalik.

Nang maabutan ako ni Julie ay mahina siyang tumawa habang hinihingal.

"Bakit ang bilis mong maglakad ngayon?"

"Kasi mali-late na tayo," palusot ko.

"Hindi eh, parang may iniiwasan ka doon."

"Wala. Bilisan mo, mali-late na talaga tayo."

Bigla niya akong kinurot sa tagiliran.

"Crush mo na noh?"

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon