Chapter 1

4 0 0
                                    

"Be, hayun si Ron, may kasama na namang iba"-sabay nguso sa lalaki sa di kalayuan.

Kaya imbis na masaya ako dahil sa haba nang araw ay makaka-uwi na ako, bigla na namang bumigat yung dibdib ko.

Ewan ko ba, di naman kami, pero bakit ba kumakapit parin ako sa maliit na pag-asa na naka sakong mahalin niya na talaga ako, sana.

"May magmumokmok na naman yata ngayon.."-sabi ni Dina na nasa tabi ko.

Ngumiti lang ako at mapait na tumawa, "ok lang yan, sanay na naman ako"

"Oh! babe!"-biglang kaway ko si di rin kalayuan nang makita si Mark, na papalapit na rin Sana Kay Ron pero napalingon sa amin ni Dina dahil sa lakas nang Boses ko.

Kaya napalingon rin si Ron sa amin, at ngumiti nang Marahan kaya napababa nalang ako nang kamay at dahan-dahan na lumapit Kay Mark.

"Uuwi kana?"-tanong ko Kay Mark

"Wag muna, gala na muna tayo."-ani Mark

"Kayo nalang siguro."-walang gana ko namang sagot.

"Sige ka, baka di mo mawitness kasweetan ni Ron-sa iba."-biro ni Mark Sakin nang bumubulong habang malokong nakangiti.

Oo nga pala, Si Dina best friend ko, at si Mark naman pinsan, baka magtaka kayo kung bakit babe tawag ko sa kanya, ganyan lang talaga technique ko para lumingon agad siya Sakin. At....Si Mark at Dina ay mag fo-four years na pong magsyuta, Sana nga't mahantung sa kasalan ang bitter-sweet na relasyon nang mga ito.

Ako nga pala Si Isabella Ignacio, graduating student at marketing major. Ewan ko ba bakit ako napadpad sa course nato, e ang layu sa gusto ko, gusto ko naman sanang maging doctor, Pero Ewan sa nanay ko, ayaw Niya, malayu daw yung eskwelahan. Wala naman akong ibang makuhang kurso na feel ko, kaya dito na ako sa less gastos. Hays. Buti nalang at gra-graduate na.

Kaklase kami ni Dina, Samantala si Mark at Ron, criminology student naman, graduating din.

"Hanubayan,mag fo-four years kanang umaasa Kay brothaaa"-patuloy na pang-aasar ni Mark Sakin.

"Ba't ba kasi di mo tulungan si Bella dyan kay Ron,hon."-sabi ni Dina Kay Mark habang Marahan itong siniko.

"hmmm, alangan namang ako ang manligaw sa kanilang dalawa nang maging sila, di naman pwede yun. Barko at Pier lang ang dapat na magmeet, wala nang 3rd party pa."-natatawa niyang sagot Kay Dina.

"tsk, makakamove-on din ako.. Baka Pag di ko na siya makita makalimutan ko na rin siya"-sabi ko kahit hindi sigurado.

"So, makalimutan mo lang ako?"-napalingon na lamang ako sa nagsasalita, si Ron.

Napataas na lamang ang kilay ko, "bakit naman hindi."-sabay irap ko sa kanya.

"Tingnan lang natin kung sino ang unang makalimot"-mapang-asar niyang Sabi.

"Syempre ikaw!"-pang-gigiit ko.

"uyyy.. lover's quarrel"-sabay namang nang asar si Dina at Mark

Inirapan ko nalang sila "quarrel lang, walang love!"

"Akala ko ba mahal mo ko?"-patuloy parin sa pang aasar ni Ron.

"May sinabi ba akong mahal kita?"-kunot-noo Kong sagot.

Nakakairita..

"Apat na taon na,be. Sabi nila Pag ang crush umaabot nang Matagal di na paghanga Yun, pagmamahal na Yun. Saka, di mo na naman kailangang sabihin."-confident na litanya ni Ron..

"kapal mo."-saka ako nag walk-out.

Nadaanan ko pa yung babaeng kasama ni Ron kanina lang, grabi makahead to foot.

"Huy! San ka pupunta,be, Sama kana."-biglang hatak ni Dina sa braso ko "Be, sige na, tu naman. wag mo nalang pansinin si Ron."

"kahit na ayokong mamansin, napakapapansin parin naman nyan"-irita Kong sagot.

"Sus, gusto mo naman. Saka, ayaw mo nun, may moment kayo."-pang-aasar na naman ni Dina Sakin.

Nang di pa Humaba pa, wala akong magawa Kundi sumama sa kanila sa KTV.

For sure mag iinuman na naman tu.

Sakit na naman sa ulo ito pag uwi mamaya.

Hays. Edi iinom nalang rin ako, para patas kaming lahat.

---

KTV

---

(Ron's Pov)

Nasa KTV na kami nag iinuman, at nagkakantahan, katabi ko si Chelsey, ka-fling ko, habang subrang ngawit na ang balikat ko kakasandal nito Sakin, nagpaalam na muna akong mag C-cr muna.

"Cr muna ako"-napalingon ako kay Bella na kakatayu lang para tumungo nang labas nang KTV room na nirentahan namin.

Napasunod nalang ako nang makaalis muna ako sa tabi nitong kanina pa nakayapos sa akin.

Habang napasunod Kay Bella pansin ko pagewang-gewang nang maglakad. "Lasing kana ba?"-tanong ko sa kanya habang akmang aalalayan siya kaso umilag sya.. "paki mo ba"-sabay irap Niya Sakin "dun ka sa babae mo!"-dagdag pa Niya.

Kaya hinatak ko siya at isinandal sa ding ding sa labas nang CR.

"Ano ba-"-di na Niya natapos ang sasabihin Niya dahil Marahan ko siyang hinalikan habang mahigpit na niyapos.

Saka ako tumigil at tinitigan ang mukha nang pulang-pula na.

"Bakit Kaba kasi uminom, eh hindi ka naman umiinom?"-sabi ko nang may pag aalala.

"Paki mo ba"-marahan Niya akong naitulak Pero hindi parin ako umalis.

"Paki ko talaga"-sagot ko. "Be, just wait,okay. Just go with the flow.. wag nating madaliin"-sabi ko.

Can't be HEALED (On-going)Where stories live. Discover now