Seattle by: Jake Diaz Cortez

13 1 0
                                    

KILALANIN ANG LUMANG JAKE DIAZ CORTEZ
Hi, ako si jake cortez bata palang ako punong puno nako ng problema, nakatira ako sa Australia, umaakyat lng ako sa tuktok nito kapag may problema ako at down na down na...
Hindi ko alam kung dapat ba akong mag pasalamat sa buhay na meron ako ngayon, pakiramdam ko kase ay hindi na mababago ang buhay ko. College student ako, CRIMINOLOGY. Elem to high school ay ang araw nang pag dilim ng buhay ko. Kahit kailan ay ayaw ko na itong ma-alala pero wala akong magawa kase palagi naman inuungkat ng mga kaibigan ko ang nangyare sa'kin noong mga araw na yun. Para bang hinihiling ko nalang na sana naging mahirap nalang ako, sana mag rewind ang lahat, sana tinuloy nalang ng daddy ko ang pag putok ng baril sa'kin, sana binenta nalang nila ako, at sana hindi ako trinaydor ng sarili kong kaibigan... Only child lng kase ako, simula elementary ay sya na ang kaibigan ko, tinuturing ko syang kapatid, pero pag tungtong namin sa koleheyo ay parang nag iba ang lahat. Siniraan nya ako at ginayuma ang taong matagal ko nang mahal. Napaka malas ko na napunta ako sa ganitong buhay. Hindi ko na isasama ang kaibigan ko sa storyang ito. Ayaw nya rin naman na maging parte pa ng librong ito. College first year ako noong nag pla-plano akong umalis na sa bahay namin pero bago pa nangyare yun ay kinuhaan na ako ng limang guard na mag babantay sa'kin. Wala akong magawa ng mga araw nayun, kinuha nila ang cellphone ko, lahat ng mga gadgets ko. Pati computer ko ay kinuha nila na kailangan ko sa pag aaral, dahil sa kanila ay nag karoon ako ng ideya sa future ko. Boring na boring ako ng mga araw nayun, wala din akong gana manood ng tv kase soccer palagi ang pinapanood. Hanggang sa nilibot ko ang bahay namin dahil wala naman akong ginagawa kundi kumain at matulog lamang tuwing vacant ko. Hiniram ko sa matandang katulong namin ang susi ng basement ng mommy ko na matagal nang wala. Nang buksan ko yun ay sandamakmak na libro ang bumungad sakin, mga papel sa lamesa, at ang type writer, wala akong alam sa magulang ko dahil bata palang ako ay wala na sya. Hindi ko alam ang dahilan ng pag kawala nya, may sakit ba sya?, na aksidente?, o di kaya naman ay naputukan ng baril ng daddy ko. Balita ko kase ay nawawalan na daw ng oras ang mommy ko sa daddy ko dahil palaging nakatuon ang oras nito sa pagsusulat. Binuksan ko ang amparador na madumi. Madaming daga ang pumalibot sa akin, kahit sa amparador ay punong puno padin ito ng mga libro. Ang iba dito ay hindi sya ang gumawa. Kinuha ko ang isang libro na ang title ay "AALAHANIN" sa tingin ko ay itong librong to ay ang pinaka mahalaga sa kanya at pinaka sikat na librong na published nya. Naka balot pa kase ito sa plastic.
Wala akong time basahin ang librong yun kaya tiningan ko lng ang bawat page nito hanggang sa nakarating ako sa 'kabanata 67 ang pag mamahalan nating dalawa' bumungad sakin ang litrato nang daddy ko at mommy ko na masayang nag be-bake. Hanggang 500 page lng yun. At ang huling page na nakita ko ay...

September 1 2002?? Pero November 15 ako pinanganak. Ibig sabihin pala nasa tyan palang ako ay planado na ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa huling sulat. At ngayon ko lng din nalaman na faith pala ang pangalan ng magulang ko. Lumaki ba namang walang Ina, never pang nakwento sa'kin ng sarili kong ama. Nalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa nang hindi binabasa ang libro o nag tanong. Kundi nag research ako ng tungkol sa kanya. Pinayagan naman ako ng daddy ko na gamitin ang loptop ko. Binuksan ko yun at nag hanap ng mga info tungkol sa kanya. Doon ko lng nalaman na hindi nya pala pinublish ang kwentong 'AALAHANIN' kaya siguro to nakabalot sa plastic para hindi masira... Nalaman ko din na ang kinamatay pala nito ay cancer. Umalis daw ito sa bahay at nag pakalayo- layo nang bigla daw iyong pumanaw. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Iba kase ehh, ibang iba, sikat na ceo ang ama ko at sundalo pero ni isa ay walang nakaka- alam na may anak ang tatay ko na feeling inosente. Kahit sa record ng ina ko ay wala akong nakita na may anak sya, tinigil na daw nito ang pag susulat noong 2002 dahil wala na daw itong pinu- publish pero ang totoo ay may sinulat itong storya na tungkol sa kanila ng daddy ko na hindi nya pinublish, wala syang dahilan kung bakit bigla nalang itong tumigil sa pag susulat. At doon na'ko nag simulang mag i-isip ng kung ano ano. Kaya nya ba tinigil ang pag pu-publish nang mga libro dahil sya ay buntis na? Para manatiling malinis ang pangalan nito? Sana hindi yun ang rason. Alam ng karamihan na asawa nya si
'JAYDON AEROS CORTEZ' ang aking ama pero hindi nila alam na may anak sila. Ganon ba nila ako kinakahiya? Pero nag papasalamat padin ako na maaga syang nawala kase alam kong Pagod nadin sya, lahat naman kase ay pinahihirapan ng daddy ko sya pa kaya?, Kung nandito sya baka sugatan nadin sya katulad ko. Kahit hindi ko nakita ang mommy ko nag papasalamat padin akong nalaman ko ang storya nila. Dahil sa kanya ay naging hilig ko na din ang mag sulat ng mga kwento. Tuwing vacant ko ay wala na akong ibang pinupuntahan kundi ang umuwi at tina-try kung pano gumamit ng type wrtiter.

THE STORY OF YOU AND I 'the city of love'Where stories live. Discover now