BREAK-UPS(07|05|15)

263 31 22
                                    

"Ayoko na. Amboring mo nang kasama. Sorry"

Sabi ni Michael, yung first love ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Masakit. Sobrang sakit.

"Michael, ano ba yan? Sabi mo mamahalin mo ako hanggang sa tumanda tayo. Sabi mo aalagaan mo ako. Sabi mo hindi mo ako sasaktan. Eh bakit mo ako iiwan? Wala namang ganyanan oh."

Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Walanghiya! Mahal ko 'to eh.

"Sorry Brie. May mahal na akong iba. Sorry. Ikaw na nga rin yung nagsabi na sinabi ko lang lahat yun. Sorry, maghanap ka na lang ng iba."

Sabi niya at umalis na siya bago ko pa ito mapigilan.

"Whaaaa! Miiiicchhhaaeell! Wag mo kong iwannn!!!"

Sigaw ko pa, nagbabakasakaling hindi na siya umalis.

"Miss, miss, ang galing nyo pong umarte. Gusto niyo pong mag-audition? Sasamahan ko po kayo."

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko at sinabi yun.

"Che!!!"

Angal ko sakanya at umalis na dun sa corridor.
* * * *

Isa lang yan sa mga heart-breaks ko na hindi malilimutan. Wala na akong nagawa kundi ang mag move-on at magmahal muli.

Naging masaya ako sa piling ni Terrence. He never failed to amuse me. Lahat gusto ko gusto niya din. Pero.

"Brie, ayaw ko na."

Marahang sabi ni Terrence. Nagulat ako at hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko.

"What? Terrence? Why? You said you wont leave me like what Michael did, but--"

Masakit at madiin ang pagkakasabi ko sakanya. Nasasaktan na naman ako. Iiyak na naman ba ako?

"Sorry Brie. Haist, anhirap iexplain, girl."

Napamaang ang bibig ko sa sinabi niya. Haist, anhirap iexplain girl? Girl?

"What?! Bakla ka, babe? Whaaa!!"

Naglulupasay na ako sa aahig dahil sa sinabi niya.

"Oo. Anhirap talaga iexplain. Basta one day nagising ako na mas gusto ko ang gusto mo. Hihi, and pwede naman tayong maging bff's. Yieee."

Sabi niya sabay ngiti na pagkatamis-tamis yung tipong iniimagine niya na may future kami as bestfriends.

"Whaaaaaaaa!"

Sigaw ko at mas naglupasay pa sa sahig.
* * * *

Nagmove-on ako ulit. Nagmahal ako ulit. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana, NASAKTAN AKO ULIT, UMIYAK AT NAGDUSA.

They all left me with the same reasons.

"Brie, I quit."
"Brie, just move on. Ayoko na."
"Brie, bakla ako."
"Brie, sorry. Hindi kita kayang mahalin."
"Brie, let's just be friends."
"Brie, we're over."

Nakakasawa. Paulit-ulit. Nakakapagod na. Nakakainis si tadhana, masyadong mapaglara. Lalo na si forever masyadong paasa, mananakit tao siya, walang pakelam at ayoko ko nang maniwala sakanya.

I got my first, second, third and countless heartbreaks. And I have warned myself to not to fall in love, again.

Ako po si Brie Kie Fernandez. Isang sawi sa pag-ibig na ayaw nang umibig pang muli dahil takot na masaktan. At isa na ako sa leader ng anti-forever, na naniniwala na walang forever. FOREVER DOESN'T EXIST. NAGPAPAASA LANG YUN SA MGA TAO.

WARNING: PAASA SI FOREVER.

WARNING: Forever is PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon