Nag babakasali

6 5 1
                                    

Ako ba'y nalilito lamang, sa aking mga nararamdaman ukol sayo?

Tuwing pag patak ng alas tres ikaw lagi ang binubuhos ng aking puso, na hindi huwarang nag papagising sa'kin ng ganito.

Pangalan mo nalamang at ang makabuluhang mong pilosopiya ang tumatak, hindi pa kita gaanong kilala ngunit
Napaka buti ng iyong kalooban.

Mukhang ako'y nahuhulog, sa iyong ganda boses at kakayahan. Handa mo ba akong masalo kung sakaling tuluyan na nga akong malaglag sa pag tataka na ito.

Makakaya ko bang harapin ang oo at hindi mo, basta lamang masagot ang nag mga tanong  sa aalanganin kong puso.

Dinidinggin kita, kung oo

Ngunit kung hindi ako ba'y maiiwan na lamang ng ganito?

Sana ay pag bigyan mo ako.

Nag babakasali ako na may parehas kang nararamdaman sa kagaya ko. Wala pa naman akong sagot mula sayo, pero sana dinggin mo ako.

Isa lamang akong simple ngunit may pagka loko loko. Inaamin ko na, hindi ako ang pwede mong maging tipo. Pero para lang sayo ako'y mag babago.

Hindi na kapanipaniwala sa mundong ito ang mga salitang ito, pero dahil sayo natuto akong mag sulat ng kwento. Nag simula na akong mag basa ng mga libro at higit paroon ang pag subok sa mga kakayahan mo.

Isang milagro ano?

Ewan ko ba kung bakit ako nag kagusto sayo. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko pero paunti unti natatanggap ko na ito....

Mahal mo rin ba ako?

Nag babakasali.

Sinasantabing Damdamin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon