Dio anong ginagawa mo dito?
Kinakabahang tanong ni Renato sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan may hawak itong baril na nakaumang sa kanya, nanlilisik ang mga mata nitong punom-ppuno ng poot sa kanya, napabalikwas sya ng bangon, napasulyap pa sya sa sa kanyang kasintahang si Nerissa na mahimbing na natutulog katabi ang kanilang anak na si Rolan,
Nandito ako para maninigil hayop ka! Taksil ka! Ang akala mo makakatakas ka sa akin?
Dio, maawa ka gusto ko nang magpakalayo layo, hayaan mo na kami ng pamilya ko?
Putang inamo!!! ano? Pagkatapos nang lahat? Iiwanan mo kami ni Papa? Taksil ka!
A-nong ibig mong sabihin?
Oo alam ko na kung sino ang kinahuhumalingan mo, kaya pala ayaw mo sa akin lahat ng bagay na kaya kong ibigay, binigay ko na sayo! ang panahon ko ang puso ko, pero hindi pa rin sapat na para mahalin mo ako, halos itakwil ako ni papa nung malaman nya na bakla ako at umiibig sa iyo! Iyon pala kaypng dalawa ni Papa ang may relasyon!!!
Tila nakarinig ng malakas na bombang sumabog si Renato, matapos marinig ang mga salitang sinambit ni Dio, nanginginig ang dalawa nitong kamay na may hawak na baril habang nakagtutok sa kanya,hilam ang mga mata nitong namagamaga marahil ay dahil sa labis na pag iyak, hindi sya makasagot sa pagkagulat, paanong nalaman ni Dio ang pinakatatago-tago nilang lihim ni Don Leon, ang kanyang minahal pangalawa kay Nerissa, higit ngayon ang kanyang takot para sa dating kasintahang Haciendero kilala nya si Custudio, handa itong manakit dahil isa itong sadista, nagawa na sya nitong hagupitin ng latigo habang nakatanikala ang kanyang dalawang kamay at paa, noong pinadukot sya nito ilang araw na ang nakalipas, mabuti na lamang at tinulungan syang makatakas ni Damian, pagkatapos noon ay nagpakita sya kay Don Leon para magpaalam na alis na sya sa Hacienda kasama ang kanyang mag ina, agad syang pinayagan ng Haciendero bagaman mabigat sa loob nito na sila ay magkawalay, tinanggap nito ang sitwasyon ng may kahinahunan, ibig pa sana nito na sya ay pabaunan ng malaking halaga na kanyang tinanggihan, ayaw nyang isipin ng Haciendero na salapi lamang nito ang kanyang habol,minahal nya si Don Leon ng wagas, minahal nya rin naman si Dio na anak nito, pagmamahal bilang isang kaibigan.
Ano? Nagulat ka no? bwahaha akala mo siguro hindi ko malalaman no? Maraming salamat sa sulat na ito na binigay sa akin ni Caring...
May dinukot na papel sa kanyang bulsa si Dio, gamit ang isa nyang kamay iwinasiwas nya ito sa mukha ni Renato,ang sulat na iyon na naglalaman ng kanyang pamamaalam, hawak ngayon ni Custudio! Kaya pala bakas sa mukha ni Don Leon ang pagkagulat noong magpaalam sya dito ng personal, hindi pala nito nabasa ang kanyang liham, bagkus ay napasakamay ito ng kanyang anak na si Dio,kabilin-bilinan nya kay Caridad na ibigay ito ng personal sa mayamang Don.
Oo, tama ang iyong iniisip nakuha ko ito mula sa mga kamay ni Caridad, ang galing nyo rin talaga ni papa ano? Ang dami nyong kasabwat sa Mansiyon, alam mo ba na hiniwa ko ang balat sa leeg ni Caridad?hahahah gulat ka no?
Nanlilisik ang mga mata ni Dio habang tumatawa nang malakas, ibang iba ang pinapakita nito, parang hindi sya ang Dio na kanyang naging kaibigan, tila ibang nilalang ang nagsasalita nagawa nitong manakit ng isang babaeng mahina at walang laban.
Ang lakas ng kaba sa dibdib ni Renato labis syang nag aalala, lalo na at kasama nya ang kanyang mag ina na hindi nya magawang lingunin at baka ito ang pagbuntunan ni Dio, wala syang kamalay malay na gising na si Nerissa na narinig ang lahat ng naging pag uusap nila, hindi lamang ito nagpapahalata at nagpapanggap pa ring tulog.
Nag isip ng paraan si Renato para mailayo si Dio sa kanyang mag ina,dahan dahan syang tumayo at akmang lalapitan si Dio nang muli itong magsalita.
Hep! Heo! Isang hakbang pa at pasasabugin ko ang ulo nang batang iyan!
BINABASA MO ANG
Laro sa Baga (Ikalawang Aklat)
General FictionMga hayup kayo!!! lakad-takbo sa gitna ng ulan si Dio, hindi alintana ang lamig ng ulan at hangin na umiihip, hindi nya napansin ang nakausling bato sa kanyang dadaanan, tunana doon ang kanyang paa na walang suot na pangsapin bumagsak sa lupa ang ka...