KABANATA 2

516 17 4
                                    

Pay Estong!

Pay Baste!!!

Halos magkandarapa ang dalawang bata na matalik na magkaybigan na mabilis na tumatakbo upang salubungin ang isa't isa.

Mula sa loob hg kanilang bakuran ay natanaw na agad ni Ernesto ang kababata na naglalakad papunta sa kanilang bahay,nasa labas sya ng bahay, katatapos lamang nilang kumain ng agahan,tanghali na nang bumangon sila sa higaan, kaya eto sya at nagwawalis ng mga tuyong dahon na nalaglag mula sa puno ng mangga na nakatanim sa loob ng kanilang bakuran tuwang tuwa sya, namiss nya ng husto ang kanyang bestfriend,kaya dali dali syang tumakbo palabas ng kanilang bakuran upang ito ay kanyang salubungin.

Bespren!

Nang magpang abot ay mahigpit na nagyakap ang dalawang bata,

Buti naman nakauwi ka na bespren! Grabe ka, kinabahan ako sayo ng husto, pati si Ninang, nag alala rin sayo ng labis...ani baste matapos bumitaw mula sa pagkakayakap kay Ernesto.

Kaya nga Pay, sori ha, pati ikaw nadamay...bahagyang may lungkot ang kanyang boses ng sambitin ang mga salitang iyon, bakas din sa kanyang mukha ang bahagyang lumbay.

Napatingin tuloy ng tuwisd sa kanyang mukha ang patpating si Baste, hindi nya inaasahan ang magiging reaksyon nito, ang inaasahan nya ay isnag masiglang Ernesto diyatat kabaliktaran ang nangyayari.

Bakit pay? Bat ang lungkot mo, hindi ka ba masaya sa pagsunod kay Ninong Lando sa pinyahan ni Don Custudio? Magkasunod na tanong ng anak ni Caloy kay Ernesto.

P-pinyahan? May bahid ng pagtataka sa mukha ni Ernesto.

Oo di ba nga? Sa pinyahan kayo nangggaling ni Ninong kasi nga sabi mo dun magtatrabaho si Itay mo....ang nalilitong tanong ni Baste.

Hinid naman kami nanggaling sa pinyahan...mahinang nasambit ni Ernesto kay Baste na agad na narinig ng matalas na pandinig ng kanyang bespren.

Kung ganun saan pala kayo nagpunta ni Ninong?

Hah?!

Sabi ko, saan kayo nanggaling ni NInong kung hindi naman kayo sa pinyahan nagpunta?

May bahid na ng pagkainis ang boses ng batang payat habang mataman pa ring nakatingin sa mukha ni Ernesto.

Ahh ehh...ahh basta! Dami mo tanong, pasok tayo sa bahay may mainit pa doon na tsokolate na gawa ni Inay, mag inom ka muna doon.

Ani Ernesto sabay hagis sa hawak na walis-tingting, walang lingon-likod itong nag martsa papasok sa kanilang bahay kubo.

Naiwan namang nakatanga si Baste sa inasal ng kanyang kaybigan.

Ano daw yon ah?

Mahina nyang bulong pagkuway sumunod sa kababata na nasa loob na ng bahay.

Kung ganun saan nanggaling ang mag-ama ko?

Puno ng kagulumihanang tanong sa sarili ni Elena na nasa likod lamang ng malaking puno ng mangga,narinig nya ang buong usapan ng dalawang batang paslit.

Dinatnan ni Baste si Ernesto sa loob ng bahay si Ernesto habang inihahanda ng huli ang mainit na tsokolate ni Baste.

O ayan, inom ka muna pay, para mainitan ang sikmura mo.

Ani Ernesto sabay abot ng maninit na tasa namay lamnag tsokolate.

Salamat pay, nagkape na rin ako kanina sa bahay pero dabes pa rin itong tsokolate ni Ninang Lena..

Masayang pahayag ng patpating bata, hinipan muna nito ang bibig ng tasa saka lumagok ng bahagya, nakangiti namang nakatingin sa kanyang kaibigan si Ernesto,

Laro sa Baga (Ikalawang Aklat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon