Kabanata 1

532 19 8
                                    

Angga gising na...tanghali na...

Hahomppp...mamaya na ga...

Pupunta ka pa sa bukid, ilang araw mo rin yong hindi nabisita, mabuti na lamang at nandyan si Pareng Caloy, nag asikaso ng bukid natin habang wala ka,

Napadilat ng kanyang mga mata ang gwapong magsasaka, tinatamad pa syang bumangon, napagod sya ng husto sa bakbakan nilang dalawa ng kanyang magandang maybahay na si Lena na ngayon ay kasalukuyang nakaunan sa kanyang malapad na dibdib, wala syang suot na pang itaas tanging ang suot na kulay putting brief ang tumatakip sa kanyang maselang bahagi, natatakpan pa ng kumot ang ibabang parte ng katawa nilang mag asawa.

Napatingin sya sa mukha ng kanyang magandang misis, namumungay ang mga mata nito, kumukislap sa ligaya, bawing bawi ang ilang araw na pananabik sa kanya, nasulit ang magdamag matapos nya itong madiligan kagabi,

Hindi nya maiwasang makonsensya, sa mga nangyari noong nagdaang mga araw habang sya ay nasa resort ni Don Custudio,kapiling ni Turkong Laway, ang buong akala niya ay mawawalan sya ng ganang makipagtalik sa kanyang misis, subalit ng dumampi ang mala porselana nitong balat na makinis sa kanyang katawan ay nabuhay ang lahat ng dugo sa kanyang katawan, bagay na kanyang ipinagpapasalamat, nasabik sya ng husto sa kanyang misis.

Angga bakit ganyan ang titig mo sa akin? May gusto ka bang sabihin?

Ha? Ah eh...wala naman, nasabik talaga ako sayo ga, ang ganda mo kasi, ang sarap mo pa...

Tiningnan nya si Elena ng buong pagmamahal na may halong pagnanasa.

Ga, hwag mo naman ako titigan ng ganyan, naaasiwa ako, nahihiya tuloy ako sa iyo...

Kiming napayuko ng ulo si Lena, namumula ang kanyang mga pisngi, bagaman asawa nya na ang lalaking kanyang pinapangarap, nagmimistula pa rin syang tinedyer sa tuwing titigan ni Lando.

Napangiti naman si Lando sa inasta ni Elena hinaplos nya ang madulas na buhok ng kanyang misis, inamoy amoy nya iyon,sinamyo ang mabangong amoy ng buhok nito.

Mahal na mahal kita Lena,sana mapatawad mo ako sa aking mga kasalanang nagawa sa iyo...

Saad pa nya sa kanyang isipan, hanggat maaari ay ayaw nya nang maalala pa ang mga nangyari sa resort, nasa bahay na sya kasama ang kanyang mag ina,doon nya na lamang itututok ang kanyang buong atensyon,

Sana ay hwag nang mag krus ang kanilang mga landas ni Turko at Brando, hiling ng pamiyadong barako sa kanyang isipan.

Ga, nakalimutan ko palang banggitin sa iyo na nagpunta dito sa ating barrio si Mayor kahapon

Pagbabalita ni Lena kay Lando, agad na napakunot ang noo ni Lando, nang marinig ang sinabi ng kanyang magandang maybahay.

Si Mayor? Ano naman ang kanyang ginawa dito?

Binisita nya ang ating Barrio nagpakain sya sa bahay ni Caloy, nabigyan kasi ang grupo ni Kumpare ng livelihood assistance bale mga gamit pangisda ang pinamigay ni Mayor tulong sa mga mangingisda.

Ah, mainam kung ganun, sa mga magsasaka? Wala bang nakalaang tulong?

Iyan ang hindi ko alam, ang mainam pa ay itanong mo na lamang kay Pareng Caloy nang sa ganun ay matulungan ka nyang ilakad kay Mayor iyang nais mong tulong.

Oo nga no, sige kakausapin ko si Pareng Caloy mamaya.

Iyong pera na nasa loob ng bag? Naitabi mo ba?

Oo ga, hanggang ngayong hindi ako makapaniwala na bibigyan ka ni Mayor ng ganun kalaking halaga, ano nga ulit ang ginawa mong trabaho doon angga?

Laro sa Baga (Ikalawang Aklat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon