C H A P T E R 4

6 0 0
                                    


               MS. VICE PRESIDENT
             _________________________

Amary's pov.

SITTING on the chair with my legs crossed habang nakatitig sa pirasong papel na nasa harap ko.

Nasa library nga pala ako ngayon. Mag iisang oras na din ako dito. Hindi parin kasi ako makapag decide e, itong piraso ng papel na nasa harap ko naman ay number ni sir Vincent na ibinigay nya sa'min ni Harold kaninang umaga.

Ang sabi nya kasi itong mga susunod na araw ay wala daw sya dahil may importante syang pupuntahan, kaya tawagan na lang daw namin sya if nakapag decide na kami.

Silang dalawa daw pala ni sir Carl ang mag a-advisory sa mga student Council this year, kaya silang dalawa ang nag re-recruit.

Tignan mo 'tong si sir, kaka simula pa lang ng school year wala agad

Tatakbo ba uli ako? Isip Amary! This position is very important, kaya dapat pag-isipang mabuti!

Pero pa'no kung matalo nanaman ako? Pa'no kung matalo nanaman nya ako?

Hindi pwede! Lagi na lang nya akong natatalo kaya hindi pwedeng matalo nanaman ako, sayang din ang medal.

Kinuha ko ang papel na nasa harap ko at tinitigan ko uli.

Ano na Amary?

Tatakbo na ba uli ako?

"Still can't decide?"

Natigilan ako sa pag iisip ng may marinig ako na boses, luminga linga ako sa paligid ko at sakto namang pag lingon ko sa likuran ko, ay nakita ko si Harold.

He's leaning on the bookshelf with his hand on his pocket and the other one was holding a book.

Ibinaba nya ng kaunti ang libro at saka nag lakad patungo sa table kung saan nakaupo ako ngayon.

"Afraid to lose again huh?" He said and takes the chair next to me.

I raised my left brow.

What the hell?

"Me? Afraid to lose?" Peke akong tumawa habang nakatingin sa pagitan ng kilay nya.

"Are you kidding me? Hahahaha!" Dugtong ko.

"Oy! Shhhh" napatingin naman kami sa nag-Hush kanina, yung librarian pala. Aish muntik ko ng malimutan na nasa library pa pala kami.

Bigla ko namang itinikom ang bibig ko.

Awkward

"If i were you, hindi na lang ako tatakbo as the President of our school, specially ako ang makakalaban mo" Pabulong nyang ani.

Nag pantig ang pandinig ko ng sabihin nya yun, kaya muli akong napatingin sa kanya.

"And who said na President nga ang tatakbuhan ko? Tsk." Sagot ko habang nakataas ang kilay.

"Judging from how long you were staring on that piece of paper, halatang nag dadalawang isip ka kung kokontakin mo ba si sir o hindi." Ani nya habang nagbabasa ng hawak nyang libro.

"Eh ano naman kung nag dadalawang isip ako?" Depensa ko at saka kinuha yung papel na nasa harap ko.

"Hindi ka naman mag dadalawang isip kung alam mong ang magiging kalaban mo sa position ay di hamak na walang laban sayo diba? Pero nag dalawang isip ka kasi alam mo na ang magiging kalaban mo ay may chance na matalo ka." Ani nya at saka tinukod ang siko sa lamesa at nakapalumbaba habang nagbabasa ng aklat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My, Mr. President (On-going)Where stories live. Discover now