NANGINGINIG na napatitig ako sa pregnancy test na hawak-hawak ko. Doble-dobleng kaba ang rumagasa sa buong sistema ko habang hinihintay na lumitaw ang isang pulang linya doon.
Please... One red line. One red line.
Mariin akong pumikit habang kinakalma ang sarili. Stop overthinking, Lana! Hindi ka buntis. Hindi ka pwedeng mabuntis! Kawawa lang ang magiging anak mo. Walang kikilalaning ama. Hindi mo naman siguro gugustuhin iyon, di ba? Ayaw mo namang matulad sayo ang magiging anak mo. Walang ama. Walang kinikilalang magulang...
Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang mga mata ko. At gano'n na lamang ang takot na naramdaman ko ng makita kung ano ang resulta ng bagay na hawak ko.
Two red lines.
No... This can't be!
Napasalampak ako sa sahig ng restroom at doon umiyak ng umiyak. I'm so careless! Bakit ba hindi ako nag-iingat? Bakit hinayaan ko pang mangyari ang lahat ng ito bago matauhan?
Nanginginig na dumapo ang kamay ko sa ibabaw ng aking tiyan. I'm pregnant. Sooner or later, I'm going to be a mom. Hindi ko alam pero may kung anong sayang humaplos sa puso ko.
Magiging ina na ako... Hindi na ako kailan man makakaramdam ng pag-iisa.
"H-Hello, b-baby... I'm your momma." Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa aking mata. "Sorry sa naging reaksiyon ko kanina, ah? Hindi sinasadya ni momma..."
Patuloy lamang ako sa paghaplos sa tiyan ko hanggang sa maisipan kong tumayo na at ayusin ang sarili.
Nakangiting humarap ako sa salamin at inayos ang medyo magulo kong buhok. I need to fix myself. Hindi gugustuhin ng anak ko na makitang nagkakaganito ang mommy niya. Nag-retouch na rin ako para takpan ang bakas ng pag-iyak ko kani-kanina lang.
Hanggang sa makalabas ako ng restroom ay nakangiti pa rin ako.
Mommy loves you, baby. Hindi ko alam kung tatanggapin ka niya. I hope so...
Mahigpit ang hawak ko sa pregnancy test na dala-dala ko habang naglalakad papalabas ng public restroom. Lumiko ako at napagpasiyahang dumaan sa may basement kung saan naroon ang parking area.
Pero bigla akong natigilan ng makita ang taong naging dahilan ng pag-iyak ko gabi-gabi. Naramdaman ko ang muling panginginig ng kamay ko kung saan hawak-hawak ko ang pregnancy test.
"See you later, Zai! I love you!" malambing na saad ng isang mestiza at magandang babae. Humalik pa ito sa pisngi ng binata.
"I love you too, Sam. Safe drive..." sagot naman nito sa babae at hinalikan rin ito pabalik.
Bullsh-t! What a nice scene, huh? Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko. Tila natunaw na rin ang kakarampot na pag-asang naramdaman ko kanina.
He really did use you, Lana. That's where he's good at. He will make you fall for him and then break your heart after.
Hindi na ako naghintay pa. Mabilis akong tumalikod at patakbong nilisan ang lugar na iyon. Nang masiguro kong nakalayo na ako ay tsaka lamang ako tumigil at humagulhol ng tuluyan.
"Don't worry, baby... You don't need him. We don't need him. I'll take care of you. I love you..."
BINABASA MO ANG
The CEO's Hidden Daughter (Montallejo #3)
Ficción GeneralBeing a secretary of the enigmatic CEO of Custaville Company is like putting herself everyday in a dangerous temptation. It's normal to admire Zaiden Montallejo, but for Llana, it's more than an admiration. She wants him but she can't claim him as...