B I L Y S - 07.

21 1 0
                                    



(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

BECAUSE I LOVE YOU SO

CHAPTER 07.

*TOK! TOK!*

"Miss Leila?"

Kasalukuyan siyang abala sa kaniyang cellphone nang marinig ang pagbukas ng  pinto. Awtomatiko siyang lumingon at nakita si Jayson na may hawak na pulang rosas.

"Yes?"

"This red rose is for you."

Nailapag niya ang cellphone sa lampshade table at tumingin sa binata. Tumabi ito sa kaniya at inabot ang hawak na rosas. Marahan niya iyong kinuha at sandaling pinagmasdan. Ngumiti siya makalipas ang ilang sandali.

"Salamat." Inilapag niya iyon sa tabi ng kaniyang cellphone.

"Walang anuman, Miss Leila." Ngumiti ito. "Nga pala, anong ginagawa mo mula pa kanina? Malapit na mag-dinner time at mukhang nandito ka lang maghapon."

"Ah.." Bahagya siyang tumawa. "Nanonood lang ako ng YouTube videos. Naglakad-lakad ako kanina pagkatapos nating mag-lunch. Ang daming guests sa resort na 'to..." Tinitigan niya ang binata. "At ang daming magagandang babae. Nakita ko din kanina 'yung kinausap mo."

"Nagseselos ka?" Natigilan siya. "Saka, siya ang kumausap sa'kin. I won't mind if aamin kang nagseselos ka, Miss Leila."

"Ako? Hindi, ah!" Tumawa siya at umiling-iling.

"Hmm, talaga?"

"Oo naman!"

'Bakit ako magseselos? Mas maganda kaya ako.'

Muli siyang natigilan at tahimik na tumawa.

'Yes, that's the spirit! That's the confidence, Leila!'

"Okay ka lang? Anong iniisip mo?"

Napabalikwas siya't muling umiling-iling. "Nevermind, Jayson. It's nothing serious. Siguro bukas ko na lang e-enjoy-in ang other part ng resort especially 'yung mga  swimming pool. Three days and two nights naman tayo dito."

"Tama ka naman, Miss Leila."

Hindi na siya umimik pa at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Akma siyang maglalakad palapit sa pinto nang maramdaman ang paghawak ng binata sa kaniyang kanang kamay. Sa gulat ay nahila siya nito at nanlaki ang mga mata dahil sa kasalukuyang posisyon.

Napahiga ang binata sa kama at nasa ibabaw siya nito. Nagdikit ang kanilang katawan maging mga binti. Naramdaman niyang bumaba ang mga kamay ng binata sa kaniyang likuran habang siya nama'y napahawak sa mga balikan nito. Nagtagpo ang kanilang paningin at naroon ang pamumula sa kanilang mga mukha.

"H-Hindi ko sinasadya, Miss Leila.." Naroon ang lalim ng tinig ng binata na nagdulot ng lamig sa kaniyang katawan. "Pero alam mo, I find this position comfortable."

Tumindi ang kaniyang pamumula

'What the actual f------'

Mabilis siyang kumawala mula sa ibabaw nito at napaupo sa sahig. Napatakip siya ng mukha gamit ang mga kamay.

'I hate what I'm thinking! This is embarrassing!'

Ilang sandali ang lumipas ay tumayo siya at lumingon sa binata na nakatingin na sa kaniya.

Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)Where stories live. Discover now