32: Falling

1.2K 52 14
                                        

Keifer

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na nagawa pang pigilan si kuya Damian nang sugurin niya si Hunter. Agad niyang hinablot ang k'welyo nito gamit ang kaniyang kaliwang kamay at nang makita kong itinaas niya ang kanang kamay para umamba sa pagsuntok ay agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Napahawak pa ako sa braso ni kuya Damian na nakahawak sa k'welyo ni Hunter kaya kitang-kita ko ang mga ekspresiyong naka-imprenta sa mga mukha nila.

ni katiting na kaba ay wala akong makita sa mukha ni Hunter bagkus ay mapaglaro pa ang ngiting nasa labi niya. Alam kong ginagawa niya lang ito upang asarin si kuya Damian at randam ko ang pagpipigil nito sa bugso ng damdamin dahil sa nasaksihan.

"Talagang sinusukat mo ang pasensiya ko, Hunter. Maswerte ka dahil napipigilan ko pa ang sarili ko sa mga ginagawa mo. Ilang beses mo nang ginawa 'yan at ilang beses na rin kitang pinalampas. Sa susunod na gawin mong muli ang nangyari kanina, pasensiyahan tayo pero hindi ko maipapangakong magagawa ko pang pigilan ang sarili kong saktan ka," tiim-bagang na sabi ni kuya Damian sa kaniya at pagkaraa'y pinakawalan si Hunter.

Nakahatak kami ng atensiyon ng ibang tao. May lumapit na rin security sa amin para pumigil sa komusiyong nagaganap pero hindi na naglaan pa ng oras si kuya Damian para ro'n dahil hinala niya na rin ako palayo sa eksena. Humabol ako ng sulyap kay Hunter at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. May kaunting kirot sa puso ko sa ideyang habang tumatagal ay mas pinalalala lang ni Hunter ang sitwasiyon sa aming dalawa sa puntong miski ako ay magkaroon na rin ng rason para umiwas sa kaniya. Gusto kong magkaayos kami pero dahil sa mga padalos-dalos niyang gawain ay parang mas pinapagulo niya lang ang lahat.

Nasa harapan na kami nang pinto patungo sa silid kung saan naroroon si tatay at nanay nang huminto si kuya Damian. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako nang maayos. Kita ko ang labis na lungkot sa mga mata niya at kahit hindi niya sabihin ay alam kong dismayado siya sa nangyari kanina.

"Tama lang naman na bakuran ko ang dapat na sa akin, hindi ba? Oo, hindi pa ngayon pero alam kong dadating ang panahon na sasagutin mo ako't magiging akin ka kaya pagpasensiyahan mo na ako kung ganoon ang naging trato ko kay Hunter-" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita nang ibalot ko ang aking mga braso sa kaniyang malaking katawan. Naging sapat 'yon upang pahupain ang bugso ng damdamin na nararamdaman niya.

Bahagya kong hinaplos ang kaniyang likuran. Hindi ko rin iniinda ang mga tao na nakatingin sa amin. Kahit naman anong gawin namin ay hindi mauubusan ng sasabihin ang mga tao. Meron at meron pa rin silang masasabi kaya mas magandang sundin ko ang kung anong sinasabi ng puso ko kaysa ang magpaapekto sa kanila. Walang ideya si kuya Damian pero siya ang tao na nagturo sa akin kung paano ang maging matapang.

"Mahal kita," sambit ko sa kaniya. Ito ang unang beses na sinabi ko kung ano ang madalas na isinisigaw ng puso't isip ko. Naging makapanyarihan ang dalawang pares ng salitang 'yon upang pakalmahin ang lagablab ng apoy sa puso ni kuya Damian. Masaya ako na naging daan din ang mga salitang 'yon upang makita ang isang tunay na ngiti sa labi niya noong oras na humiwalay ako sa kaniya nang pagkakayakap.

Sabay kaming pumasok sa silid ni kuya Damian at dahil pambulikong ospital ito ay hindi lang kami ang mga tao na nakaokupa sa loob ng nasabing silid. Merong anim na hospial bed sa loob at lahat 'yon ay okupado ng iba't-ibang pasiyente. Si tatay lang talaga ang walang malay sa kanila ro'n. Ang iba'y nagpapagaling na lang mula sa nararamdamang sakit at matapos ang kanilang operasiyon kagaya ni tatay. Sana lang talaga ay magkaroon na siya ng malay upang makausap na namin siya.

Nakaupo si nanay sa gilid ni tatay gamit ang isang monoblock at kitang-kita ko kung paano niya labanan ang matinding antok. Halos lumaglag na anng kaniyang ulo sa pakikipagduwelo sa sariling kamalayan kaya naman nang makalapiyt ako'y inakbayan ko agad siya. Dahil doon ay nakuha ko ang atensiyon niya.

SEKYU 1 (BL) TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon