PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Tan, aalis muna si Mommy, ha? Kailangan ni Mommy magwork. Magpakabait ka dito kay Nanay, okay?"


"Hello po, pwede ko po ba'ng hiramin muna si Tantan? Pagbabakasyunin lang po namin doon sa amin nang isang buwan..."


"Sino po dito guardian ni Tristan... Ikaw po ba, Nanay?"


"Pagkatalino namang bata nito. At isipin mo ha, ang bata pa pero parang matanda na kung magsalita, ha ha ha..."


"Tan, sabi sa 'kin ng teachers, masyado ka pa raw bata para magproceed sa Grade 1. Ang solution daw is mag prep ka muna, hayaan mo na, hahatid-sundo ka pa rin ni Nanay, ha?"


"Tan, 'wag ka muna maingay ha? Sa 'yo ko muna sasabihin na kailangan ni Mommy umalis, pupunta lang ako roon sa malayong lugar... sa Maynila. Doon si Mommy magtatrabaho, Tan... Para sa ating dalawa rin naman 'to."


"Nasa'n ang parent or guardian mo, Tristan? Nako, hindi pwede umattend ng meeting ang Grade 1 student!"


"Saan po parent na mag aaccompany sa students? Ikaw, Tristan? Guardian lang ulit sayo? Okay... ano'ng full name ng guardian mo?"


"Meeting... pakikiusapan ko muna si Aling Melba kung pwede ba'ng sya muna ang umattend para sa akin, ha? Busy kasi, Tan, e..."


"Congratulations, Tristan! Pasensya na wala kami dyan, ha..."


"Anong nangyayari sa'yo, ha?! 'Di ba't lagi ka namang First Honor? Bakit Fourth Honorable Mention ka na lang ngayon?!"


"Ayan, Top 1 ka na ulit, congratulations!"


"Let us all lend our ears to the Batch Valedictorian as he delivers his speech, Mr. Tristan Klein Angelo Apoli!"


"Tan, kilala mo ba 'to? Ito ang bagong asawa ng Daddy mo..."


"Kita mo yung mga pinopost nila? 'Yong dalawa ang mga kapatid mo..."


"Ah, si Tantan po ba? Anak po sya sa labas,"


"Payag ka ba na may step mother ka at step father?"


Pa'no kung hindi?


"Ayos lang ba kung—"


Pa'no kung hindi?


"Tan, diba gusto mo ng isang family?"


Pa'no kung ayaw ko na?


"Tan, sa'n ka mag-aaral pag high school mo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crashing Against the Wild WavesWhere stories live. Discover now