Sa mga susulating tula,
Ikaw pa rin ang gagawing paksa.
Sa mga hahabihing nobela,
Ikaw pa rin ang magiging kapareha.
Sa bawat pagkapagod na madarama,
Ikaw pa rin ang aking pahinga.
Kahit dahil sayo lumuluha ang mata,
Ikaw pa rin ang mamahalin ko sinta.
Inis na inis na kay tadhana,
Pikon na pikon sa kupidong pumana.
Pinagtagpo pa at naging masaya,
Paghihiwalayin din naman pala nila.
Handang makiusap kay tadhana,
Pagtagpuing muli tayong dalawa.
Dahil hindi na magbabago pa,
Ikaw pa rin at ikaw lang talaga.
YOU ARE READING
in the midst of missing you
Poetryeating icecream, comforting myself. writing a poem, missing you. sa bawat pahina, iyong mababasa, aking pangungulila, sa taong sinisinta.