Prologue

2 2 0
                                    

"alam mo bang pandaraya 'to Zion? Kapag nalaman nila panigurado delikado ta'yo-"

"Tangina naman Red! Ang laki na ng pusta diba? Hindi kaya ni Caleb kaya, ako na" pinaka ayaw ko talaga ay ang tinuturuan ako kung ano ang gagawin ko sa lecheng sitwasyon na eto.

"Kuya baka Naman pwede pag isipan mo-"

"Isa kapa Dean. Walang makaka alam kung walang magsusumbong. Gets? Saka, kabisado ko ang laro ni Caleb. Plakadong plakado 'to" sabay suot ng helmet ni Caleb.

Dean is my step brother at sobrang idol niya ako na minsan parang nanay ko na dahil wagas mag alala.

"Don't worry Dean, your big brother will win this race for you. So chill!" Sabay tapik ng likod niya.

"Dapat lang. You owe me a game" sagot lang naman niya.

"Game addict" I said as I chuckle a little.

"Goodluck Kuya" he said and smiled at me.

Kung hindi lang na ospital ang gagong si Caleb ay Hindi ko lalaruin 'to. Pero wala nang ibang pwedeng maglaro neto.

Ako lang.

"Zion, mag ingat ka. Ako na bahala Kay Dean" rinig ko mula kay Red.

"After this, magbabakasyon tayo pag nakuha na natin ang Pera. Gets?" Sabay kindat sa kanila bago ko e sara Ang helmet na suot ko.

*motorcycle engine starting*

~vrooooom, vrooom~

Hindi ko mapigilang hindi mapa ngiti sa naririnig ko ngayon. Parang melodiya sa tenga ko.

"It's been a while Versosa" sabay tapik ko sa motor ni Caleb.

Pinihit ko pa ang manebela bago pumwesto sa starting line kung nasaan ang kalaban ko.

"Caleb! Caleb!" Sigaw ng mga taong nakapalibot ngayon saamin.

"Mula ngayon, bawal kana kumarera!" Tanda kong sabi ni Dad saakin.

Well, they think I'm Caleb so, I guess that's alright.

"For 40 million pesos. Ready..."

~vroom,vrooom,vroooom~

Pihit ko sa manebela at napa tingin sa kalaban ko ngayon. This is a risky plan. Kapag nalaman nilang hindi si Caleb Ang kumakarera, doble ang penalty sa pusta ang babayaran namin.

*Gun shot*

Pagka rinig ng pagka rinig ko sa putok na iyon ay wala na akong inaksaya pang Oras.

"This will be an epic race Versosa" sabay ngiti.

Ngiting tagumpay dahil alam kong Ako ang mananalo.

Habang nangunguna sa kareka hindi ko na binuhos pa ang enehiya ko dahil alam ko namang ako ang panalo sa larong eto-

~zoooom~

Isang napaka lakas na hangin ang nagpa mura saakin. Nalagpasan ako ng kalaban ko. Ngayon ay siya na ang nangunguna saaming dalawa.

Tinignan ko ang motor niya at napa ngisi nalang ulit.

Tanginang Mccoy! Sigaw ko sa utak ko at mas pinihit pa ang manebela dahilan para ngayon ay magka level na kami ng takbo.

~vrooooom~

Mas binilisan niya pa ang pagpatakbo at sinubukan akong harangan.

"Tangina" mura ko nang muntik niya akong ma bundol.

Dangerous Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon