CHAPTER 21

16 3 0
                                    

Nasa loob na sila ng kwarto ni Abre dahil binigyan na sila ng doctor ng permiso na pwede ng pumasok. Halos hindi makagalaw si Adriana nang makita ang itsura ni Abre habang nakahiga sa hospital bed. Merong ventilator, nasogastric tube, at may mga lead wires sa katawan ni Abre. Kapag kaharap nya ito nawawala ang galit na nararamdaman nya, gusto nya itong yakapin, gusto nyang kausapin ito pero hindi nya magawa.

"Kaya mo bang mag stay dito?" tanong ni Christos sa kanya.

Tumango si Adriana at dahan-dahang naglakad papunta kay Abre. Hindi nya alam kung papapasukin nya ba si Autumn sa loob kung ganito ang lagay ng ama nya. Ayaw nyang makita ang anak nya na ganito ang kalagayan.

"Tagal na rin simula ng makita ko si Abre ng malapitan. Nakita ko sya pero nakahiga naman sya at ganyan ang itsura nya." umupo ito sa upuan na katabi lang sa kama na hinihigaan ni Abre.

"Alam mo ba dati, pinakilala mo sa parents mo si Abre at Dom. Tapos tinanong ka ni Tito kung sino ang nanliligaw sayo tapos sumagot ka na silang dalawa. Sabi ni tito na dapat paglaki ni Abre gusto nya sya yung maging asawa mo. Gustong-gusto ng Daddy mo si Abre eh, tahimik lang kasi ito." natawa pa ito habang nag kkwento.

"Laging binu-bully si Abre dati nung nasa elementary kayo hanggang nag highschool. Kaya kayo ni Dominik ang laging nagtatanggol sa kanya, kaya mo pa ngang makipag suntukan eh tapos kapag napikon ka nagsusumbong ka sakin. After how many years and after what happened to you I ended our friendship. Galit ako kay Abre dahil sinira nya yung tiwala ko na hindi ka nya sasaktan. Yung galit ko hindi ko maipaliwanag gusto ko syang saktan, gusto ko syang patayin na ewan but seeing him here, akala ko matutuwa ako pero hindi. Masakit para sakin na nakikita syang ganito."

Naglakad si Adriana palapit kay Abre at hinawakan ang kamay nito. Ayan na naman ang mga luha nya, nagsimula na namang magkarera.

"Nang magkita kami sa park, I told him to get lost. And he said huwag ko raw idadamay si Autumn pangako nya na hindi na sya magpapakita pa ulit. Tingin mo ba ito yung ibig sabihin nya?"

She was confused as to what she should feel. Will she forget what Abre did to him and forgive him? Mahal na mahal nya ang taong kaharap nya ngayon at nahihirapan syang nakikita itong ganito pero paano naman sya? Willing ba syang mag give way para lamg magpa tawad? Kaya nya bang kalimutan ang sakit na pinagdaanan nya at magsimula ulit?

"Think positive Adri, I know him lalaban sya at magpapagaling. Gusto nya pang makasama si Autumn."

Mahal nya si Abre pero ayaw nya ring maging selfish para sa anak nya. Ayan lang naman ang gusto nya eh maging masaya sya, dati naiisip nya na sana buhay ang totoong ama ni Autumn at ngayong alam nyang si Abre yon, magaan ang pakiramdam nya.

"I have to go to the police station."

"Samahan kita."

"Sino magbabantay kay Abre?"

Bumukas ang pinto at sabay pumasok ang mga kaibigan ni Abre.

"Hi ganda, hi bro." ani ni Matteo na may dalang basket na puno ng prutas.

"Sup, Adri!" masayang bati ni Yvo na may dalang bulaklak.

"Putek na yan nauna pa talaga kayong pumasok tapos ako rito naghihirap sa mga pinapabili nyo." pumasok naman si Dominik na may ilang dalang paper bags na pagkain.

"Dami mong reklamo dyan hindi mo nga ako pinasakay!"

"Bibig mo Yvoc Veron Ozais Heilsman, ang sakit mo sa tenga paki hinaan."

"Ops sorry kristo!" naka peace sign pa ito na parang nang aasar.

"Kami na muna bahala kay boss Abre. Tamo pagbalik nyo gising na yan kasi maiingayan kay Yvo."

Whispers Of PastWhere stories live. Discover now