Chapter 4: Annoying Reception part. 2

1.5K 12 1
                                    

"So, pare. What's the real score between you and that girl?" sabi ni MJ sabay nguso sa kinauupuan ni Faith.

"Huh?" napatingin lang si Aki sa nginunguso nito.

Napa-ngiti siya sa nakita. Ang babaeng kanina pa siya sinusungitan. Hindi niya alam kung anong nagawa O sinabi niya.

He will admit the first time he saw her he was fascinated. The way she move is to fascinating to resist. Pero kahit anong pagpa-pansin ang gawin niya hindi siya pinapansin nito.  Nang nag paulan yata ng kasungitan ay sinalo nito lahat.

"Wag kang ngumiti dyan. Tinatanong kita kung anong meron sa inyong dalawa." sabi ni MJ.

"Wala." sagot niya.

"Wala? Sure ka? Ba't nangi-ngiti ka dyan?"

"Wala lang."

"Tol! Binibitin mo kami! Ano nga?" si MM.

Tiningnan niya ang mga ito tsaka ngumiti. He can't help to smile. Ewan niya ba kung bakit.

"Alam mo konti na lang, malapit ko ng plaisin yang mga ngipin mo.  Grabe! 24/7 yang ngiti mo. Nonstop." biro ni Kiko.

"Baka naman in-love si totoy!!" tukso ni MM.

"Cheesy! In-love na si totoy natin?" sabay tawang sabi ni MJ.

"In love? Masaka!" tanggi ni Aki.

"Nako pare! Wag mo sabihin 'yan! Ganyan din ang sinabi ni Caleb, pero tingnan mo nakatali na siya!!" kantiyaw ni MJ.

"Wag kang ganyan MJ! Baka mamaya mauna ka pang mag-asawa kay Arkin nyan." sabi ni Kiko.

"Talagang mauuna ako dyan. Kilala niyo naman yang si Arkin. Mula ng iwan 'yan ni Yanna daig pa ang EDSA....hindi maka- MOVE ON!!!!" sabi ni MJ.

"Hoy! Ako na naman ang trip niyo! Nananahimik ako dito!" saway ni Arkin dito.

"Chill...We're just cheering you."  MM grinned.

"Stop please."

"Pero yung nakita ko talaga kanina." Kiko turned his sight to MJ.

Nag-taas ng kilay si MJ. "What?"

Tumingin lahat kay MJ at sabay sabay na nag-ngitian.

"Ano nga?" nagtatakang tanong ni MJ.

"I saw that too.." sabi ng kakambal ni MJ si MM ngising-ngisi.

"Ano bang problema niyo? Di na kayo nakakatuwa." inis na sabi ni MJ.

"Sabihin mo nga sa'kin kuya. Sino yung babaeng kautuan mo kanina."

"Sino yung ka-partner ko?"

"Hindi yung ka-partner ko siguro. Malamang yung ka-partner mo."

"Wala! Sinasakyan ko lang 'yun."

"Grabe nga makakapit sayo! Parang ayaw ka ng pakawalan." kantiyaw ni Kiko.

"Shut up. Wala lang 'yon. Wala lang."  sabay alis.

"San pupunta 'yon? Lagot kayo!" sabi ni MM sabay sunod sa kapatid.

"Ang K-KJ ng mga 'to." sabi ni Kiko.

"Mahilig kasi kayong makelam sa private life ng iba." sabi ni Arkin.

"Oo nga." sang-ayon naman ni Aki.

"Ba't hindi love life mo na lang ang pag-usapan natin." hamon ni Arkin.

Tiningnan lang sila ni Kiko. Hindi nagtagal ay tumayo na din ito.

Napa-iling na lang si Arkin. 

"Tingnan mo nga. Ayaw din palang mapakelaman ang buhay niya."

"Hayaan mo na lang sila." sabi ni Aki.

Ibinalik na lang nila ang atensyon  sa kasiyahang nagaganap sa harap.

====

 masaka-- no way!

EHEM! USAPANG LALAKI LANG:))

CTLS: MR.ANNOYING (3rd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon