Chapter 10: The Deal part.2

1.3K 8 3
                                    

Tapos ng kumain si Faith. Hinarap na niya si Aki.

"Ano tapos ka na?" sabi niya kay Aki. Mula kasi kaninang nagsimula silang kumain walang ginawa 'to kundi ang titigan siya.

"Oo. Ang sarap mong titigan, eh. Busog kaagad ako."

"Hindi talaga kita maintindihan." she rolled her eyes.

Ngumiti lang ito. "Alam mo bagay sayo yung ganiyan."

"Alin?"

"Yung parang tumitirik yang mata mo." ginawa nito ang ginawa niya kanina.

She bit her lip to avoid laughing. Ganito ba ang ginawa niya kanina? Putek ang pangit!

He saw her. "Uyyyy..tatawa na siya." tukso nito sa kanya.

Inayos niya ang sarili niya. 

"Hindi 'noh." tanggi niya.

"Hoooo!! Alam mo parang ikaw yung nasa 'Princess Sarah'. Yung supladang babae 'don. Yung teacher 'don. Anong

pangalan 'non?" inisip nito ang pangalan ng naturang guro.

Kilala niya ang tinutukoy nito. Si Miss Minchin.

"Kilala ko 'yon eh. Mi--Miss Chi-Chi? Hindi. Hindi. Asawa yon ni Goku. Sino nga ba 'yon."

Gusto niyang matawa sa mga pinagsasabi nito. Nasingit pa si Chi Chi ng Dragon Ball Z.

"Si Miss Minchin 'yon."

"Oo! Si Miss Minchin! Kilala mo siya? Idol mo noh?" natatawang sabi nito.

"Ewan ko sayo. So, nakapagdesisyon ka na ba?"

Tumitig ito sa kanya.

Lalo siyang kinakabahan sa titig nito.

"Oo, nakapagdesisyon na'ko. Sasamahan kita sa Japan kung...."

Sabi na nga ba. Hindi papayag ito ng walang kapalit. Ayos lang pero sana yung kaya niya.

"Kung?"

"Kung papayag kang maging girlfriend ko."

Napatanga siya.

"A-ako? Girlfriend mo! No way! This is non-sense. Uuwi na'ko."

"Bahala ka. Meron na mang kontrata eh."

"Kontrata?"

"Yes. A contract. You will be my girlfriend starting tomorrow at matatapos lang 'yon kung tapos na kitang tulungan."

"Ang ibig mong sabihin matatapos lang 'yon pagkauwi ko rito sa Pilipinas?"

"Yes. No strings attached after that."

"Bakit ka ba ganito sa'kin."

"I don't know. You seems a challenge for me. So, I wanna try you."

Iyon naman pala. No strings attached.

"Kung papayag man ako. We have to set some rules."

"Bahala ka." nagkibit balikat ito.

"Isusulat ko lahat ng rules. At oras na lumabag ka, Our contract is done. Pero tutulungan mo pa rin ako."

"Ibig bang sabihin, pumapayag ka na?"

"May kontrata naman, bakit hindi. Malaki naman ang makukuha ko pag-nanalo ako sa contest na 'yon."

"Okay. Kelan ang flight mo?"

"The day after tomorrow."

"So, may isang araw pa tayo dito sa Pilipinas. Samahan mo'kong mamili ng pasalubong bukas."

"Teka. Wala ka pang ticket."

"That's not a problem. Tatawagan na lang ako mamaya sa manager ko at sasabihin kong ikuha niya ko ng ticket."

"Okay. Ibibigay ko na lang sayo bukas yung mga rules ko."

"Sabi ko nga kanina. Bahala ka. Halika Ihahatid na kita."

"Sige."

=====

Kayo ba? DEAL or NO DEAL?

CTLS: MR.ANNOYING (3rd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon