Chapter 9 :THE DEAL part.1

1.3K 7 1
                                    

Masama ang loob na nilakad ni Faith ang daan patungo sa restaurant na pinag-usapan nila ni Aki.

Nang nasa harap na siya ng Restaurant ay nakita niya si Aki, naka-ngiti habang pinapa-ikot ikot ang cell phone sa lamesa.

Abno nga yata ang lalaking ito. Naka-ngiti ba naman!

Pumasok na siya ng restaurant.

Agad naman siyang nakita ni Aki. Tumayo ito at pinag-hila pa siya ng upuan.

Tiningnan niya 'to.

"Upo na."

Umupo siya. Bumalik na ito sa harapan niya.

"So, order muna tayo?" tumawag ito ng waiter.

"Hindi na. Sandali lang naman." tanggi niya.

"I insist malapit na rin namang mag-launch."

Um-order ito ng para sa kanila.

"Tungkol saan yung pag-uusapan natin?" tanong nito nang maka-alis ang waiter.

"Japan." hindi niya alam kung anong isasagot niya.

"Japan? Anong meron sa Japan?" takang tanong nito.

"Ammm.. Kasi.."

"Ano?"

"You know that I'm a photographer, right?" umpisa niya.

"Hai!"

"Hai?"

"It means Yes!"

"Okay. May sasalihan kasi akong contest.."

"Hmmm.."

"Asia Photo Contest. And sa Japan ang unang seminar."

"And??"

"I need your help."

"Para saan? Hindi naman ako sana'y ng propesyon mo. Kung sayawan siguro 'yan, matutulungan pa kita."

"Pwede ba patapusin mo muna ako."

"Chill."

"Pwede bang samahan mo'ko sa Japan?"

"Haa??"

"Ang laki kaya ng Japan. Baka mamaya maligaw ako O kaya naman may mangyari sa king masama."

"Ano 'yon? Gagawin mo kong tour guide?" natatawang sabi nito.

"Hindi naman sa ganon."

"Pag-iisipan ko."

"Okay."

Sakto ang pagdating ng pagkain nila.

Hindi siya makakain ng maayos dahil nakatitig sa kanya si Aki. 

"Alam mo bang hindi maganda yang ginagawa mo."

"Nan desu ka?"

"At pwede ba wag kang magha-hapon kasi hindi kita naiintindihan."

"Okay. I just can't help it." sabi nito pero nakakatitig pa rin sa kanya.

"I said it's impolite to stare."

He just smiled and stared again.

Hinayaan na lang niya ito. Tinuon na lang niya ang paningin sa pagkain.

 =====

CTLS: MR.ANNOYING (3rd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon