P R O L O G U E

809 92 17
                                    

ECHOES OF YOU

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ECHOES OF YOU

“ONE...”

“Two...”

“Three.”

Pagbibilang ko habang nakapikit ang dalawang mata. Habang nagbibilang ako'y naririnig ko ang malalalim na tawa at yabag ng paa ni Vius na naghahanap ng matataguan. Ang bawat hakbang niya'y nagiging mas malakas, parang isang ritmong nagpapabilis ng pintig ng puso ko.

“Ready or not, here I come!” Iminulat ko naman ang mata ko at nagsimulang hanapin siya.

Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng hangin na dumadampi sa mga dahon ng mga puno.

Sa totoo lang, ayoko talagang maglaro ng tagu-taguan. Nandito kami ngayon sa park kasi may date kaming dalawa ngayon. Pagkatapos ng klase ko kaniya'y sinundo niya ko sa school dahil magde-date raw kami, pero heto kami ngayon naglalaro na parang mga bata.

Naglakad ako patungo sa may punong malapit sa'kin at tiningnan ko naman ang likuran nito baka kasi d'on nagtatago si Vius. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa puno at nang tingnan ko naman ito'y wala siya roon kaya napabuntong-hininga naman ako at muling naghanap ng posibleng pagtaguan niya.

I tried to look under the bench but he's not under it. Tumayo naman ako at napansin ko ang bakas ng mga yapak ni Vius sa lupa kaya sinundan ko ito.

“Love, I'm here!” Ibinaling ko ang tingin ko sa aking gilidan nang marinig ko ang pagtawag niya.

“Ano ba 'yan, saan ka ba nagtatago?” Pa-inis kong tanong. Ito naman kasing Vius na 'to grabe makatago akala mo naman zombie ang naghahanap sa kaniya.

“Find me!” aniya at narinig ko namang napatawa siya nang mahina.

Naglakad ako patungo sa pinanggalingan ng kaniyang boses at nagsimulang hanapin siya roon.

“Love, pagod na 'ko.” anas ko habang hawak-hawak ang manggas ng aking suot-suot.

Where is he hiding? Ang kati na ng paa ko dahil sa mga kagat ng lamok.

Argh, Vius!

I began walking around the park, frustrated that I couldn't find Vius at all.

“Saan ba siya pwedeng magtago?” I mumbled to myself, getting more and more annoyed with each passing second.

Suddenly, I heard a rustling sound coming from a nearby bush. My heart leapt in hope that Vius was finally hiding there, but it could have been just the wind moving the leaves.

echoes of you | wind series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon