Chapter 12: Apology Accepted
Naka-upo ako ngayon sa tabi ni Elsie na mahimbing na natutulog sa kama. It's already eleven in the evening at kaming dalawa lang ang narito sa loob.
Tinawagan ko si mommy kanina kung nasaan ito at d'on ko nalaman na umuwi muna pala siya sa bahay. Pinagalitan ko nga dahil iniwan lang si Elsie dito kasama si Vius. Pwede niya naman akong i-text o tawagan na ako na ang mag alaga kay Elsie eh, kaya ko namang umalis ng party para lang kay Elsie.
Speaking of Vius, nagtataka pa rin ako bakit nasa loob siya ng chapel kahapon at doon nags-study eh pwede naman siyang mag study sa ibang lugar. Nagalit ba naman kasi umiyak ako, aba gago.
At isa pa nagtataka rin ako eh, n'ong tinanong niya ako if ayos lang ba raw ako. Tse, ano bang nakain niya at lumabas ang tanong na 'yon sa bibig niya??
I sighed and shook my head.
Habang pinagmamasdan si Elsie ay bigla namang tumunog ang t'yan ko at nakaramdam ng gutom. Kinuha ko naman ang water bottle na nakapatong sa may maliit na mesa malapit sa akin at ininom ito ngunit hindi nito kayang pigilan ang pagtunog ng aking t'yan.
Napabuntong-hininga muli ako at napagdesisyonang kumain nalang muna. Iniwan ko muna si Elsie na mahimbing na natutulog dahil bibili muna ako sa labas ng cup noodles. Nagugutom kasi ako at 'yon ang gusto kong kainin ngayong gabi.
Pagkatapos kong kunin ang wallet ko ay bumaba naman ako at lumabas ng hospital.
Pagkalabas ko ng ospital, sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi. Tahimik ang paligid, kakaunti lang ang mga tao na naglalakad. Ang liwanag mula sa mga poste ay nagbigay ng kaunting aliw, pero ang bigat ng loob ko ay hindi mabawasan.
Habang ako ay naglalakad papunta sa convenience store na malapit lang, hindi ko maiwasang isipin si Elsie at kung gaano siya kahina ngayon. Sobrang mahal ko 'yon kaya lahat ay gagawin ko para lang gumaling siya.
Sa bawat hakbang ko, mas lumalakas ang ungol ng aking tiyan, halos nadidistract na ako sa gutom. Nang makarating ako sa convenience store ay dali-dali akong pumasok. Naglakad ako papunta sa aisle kung saan naroon ang mga cup noodles at pumili ng isa.
Pagkatapos naman ay nagbayad ako sa cashier at lumabas na. Ngunit nang lumabas ako ng store, napansin ko ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa labas, tila balot ng sariling mundo. It's Vius.
Napahinto ako, hindi sigurado kung dapat ba siyang lapitan o hindi. Nakaupo siya sa bangketa, hawak ang isang bote ng soju at tila malalim ang iniisip.
Madilim ang ilalim ng kanyang mga mata, parang ilang oras nang hindi natutulog. Hindi ko maiwasang mapansin na malayo ang tingin niya, pero nang magtama ang mga mata namin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili ko, naguguluhan at nababalot ng pagtataka. Hindi ko na lang sana siya papansinin at maglalakad na lang pauwi, pero para bang may humihila sa akin papalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
echoes of you | wind series #2
Romansa"Even in the silence, I can still hear your voice, echoing in my heart. The memories of our time together are like ghosts that haunt me, reminders of what we once had. Our love may be gone, but its echo will always remain." ❗️: this story is tagalog...