Chapter 19: Solar eclipse

17 3 1
                                    

Nag lalakad na kami papunta sa 7/11 na nasa dulo lang ng mga tindahan sa harap ng campus. Puro asaran at hampasan sila Chaerin at Hisham habang nasa gilid naman nilang dalawa si Jai na nood at tawa lang ang ambag.

Kung kanina ay katabi ko si Kyle, ngayon ay nasa likod nalang nila ako nung babaitang yakap-yakap niya kanina. They were talking about something pero hindi ko maintindihan ang lengwahe'ng gamit nila, magugulat nalang ako dahil sa mga biglaang pag sulyap sakin nung babae.

I was...well....silent. Simula nang mag lakad kami pa alis sa campus ay wala nakong ginawa kundi manahimik at manood nalang sa kanilang dalawa.

I know that i was fuming inside kahit hindi ko alam ang dahilan nito. Siguro ay dahil hindi na ako pinansin ni Kyle simula nung dumating yung babae.

I can't help but asked myself, Ano naman kung hindi niya ako pansinin? It's normal naman na hindi mag pansinan ang mag kaibigan minsan.

Mag kaibigan lang kami. pero..bakit...bakit ako naiinis?

Bakit ako nasasaktan?

I clench my fist once again as i stared at them with rage in my eyes. tangina, Katie. Anong nangyayari sayo?

"Tawid na tayo!" Sigaw ni Chae na nagpa agaw sa atensyon namin bago hawakan ni Sham ang kamay niya. Nakita ko ang pag daan ng gulat at ng kung anong emosyon sa mata ng kaibigan ko. Sinabayan pa iyon ng pang aasar ni Jai sakanila.

Nakopo, Chaerin delikado yan!

I let out a heavy sigh. Akmang lalagpasan ko na sila Kyle para maka una sa pag tawid ay nagulat ako ng biglang may humatak sakin.

"Wait for me, Ssob" Si Kyle.

Hindi ko alam kung paano ako nalagay sa sitwasyon kung saan ay hawak hawak ko ang kamay ni Kyle habang hinihintay namin ang pag green ng traffic light.

Ang daming nangyari sa loob lang ng isang minuto. Si Jai na ang ka kwentuhan nung babae ngayon, napansin ko din ang awkward atmosphere kayla Sham at Chae na magka hawak parin ang mga kamay.

At ako? Ito, malakas nanaman ang tibok ng puso. I lowered my head para maitago ang namumula kong mukha.

I turned my gaze sa kamay namin na mahigpit na magka-hawak, i let out a heavy and shaky sigh as i felt that fucking butterflies again..

Fuck, It fits perfectly..

It was as if the Moon and Sun had collided, and our hands caused an eclipse.

As the strong air breeze gently hits my skin, realization hits me like a ton of blocks.

His eyes, his voice, his actions, his touch, his laugh, his sweet smile, his gaze and everything about him ay iba na yung epekto sakin

I get lost in his eyes, stuck in his voice, amazed by his actions, burned by his touch, I blushed when he laughed, I get blinded by his smiles, melted by his gaze, and get struck by him like lightning in a stormy night.

I get hurt when i addressed myself as his friend. Because, i know that my heart craves for more.

Disappointment..

I realized that i fumed with anger when someone else got his attention. Because, i want that attention all to myself.

Possessiveness..

I hate it when i saw him with someone else, and that was...

Jealousy..

Hindi ko na napansin ang oras at nasa harap na pala kami ng 7/11. My breathing hitched when he gently squeezed my hands.

I blinked twice bago ko i angat ang aking ulo at agad na bumungad sakin ang mukha ni Kyle na seryosong naka tingin sakin.

Bakas sa mga mata niya ang pag aalala at tila ba'y binabasa din nito ang sigaw ng aking mga matang naka titig sakanya.

He tilted his head "Ssob...okay ka lang?"

My cheeks flushed at yumuko ulit para iwasan ang mga mata nitong nakaka- panghina. bago dahan dahan na tumango. "A-ayos l-lang" I want to slap myself when i shuttered.

.

.

Huminga ako ng malalim.

.

.

Tangina, gusto ko si Kyle?

.

.

"Ashela?" Namutla ako nang marinig ko ang tawag ng isang pamilyar na boses, boses na ayaw ko nang marinig.

Kahit kinakabahan ay inangat ko parin ang ulo ko. At tuluyan na akong nanghina nang makita ang naka tayong lalaki sa harap ng pinto, kalalabas lang galing sa loob.

Kyle stared at me, reading my emotions.

Agad akong nag tago sa likod ni Kyle bago tuluyang mag salita..

"K-kuya.."

    

My love in España(College Series #1)Where stories live. Discover now