Simula

0 0 0
                                    


Paano kaya nagagawa ng isang tao na kalimutan agad ang mga tong nag mahal sa kanila ng totoo?

Paano kaya nila nasisikmura na kumilala ng iba habang may tao silang sinasaktan?

Paano nila nagagawang umakto na mahal na mahal ka pero may iba na pala sa kabilang banda?

Paano nila nagagawang balewalain ang pinag samahan,alala at mga taong nag mamahal at walang ginawa kundi mahalin lang sila?

Diko alam,yan ang mga tanong na gusto kong malaman ang kasagutan. Mga tanong na sa tingin koy di kailanman mag kakaroon ng kasagutan. Dahil kahit anong isip ko, baliktarin man ang mundo, ang tanong na yan ay mananatiling tanong na lamang na walang kasagutan, mananatiling blanko mag pakailanman.

Ang hirap mag umipisa ng panibago, ang hirap umusad, ang hirap mag simulang muli. Ang gumising sa umaga lalo na at alam mong wala na yung taong aasahan na babati sayo, ang hirap matulog sa gabi lalo na kung wala na ka ng aasahan goodnight Mula sa isang tao. Ang hirap kapag nawala na yung taong nakasanayan mo.

Lahat nalang ng bagay ang hirap muling simulan lalo na at nasanay ka na may taong laging naka aalalay sayo tuwing gigising ka sa umaga hanggang sa pag tulog mo sa gabi. Sa tuwing gagawa ka ng mga bagay at biglang sya ang maaalala mo. Sa tuwing may maamoy ka at sya ang unang taong maalala mo.

Ang sarap balikan ng mga ganoong alala...

Siguro ganun naman talaga  lahat ng umpisa,masaya na tila ba parang wala ng kahit anong bagay ang makakapantay pa. Parang saya na walang katapusan,pero hindi naman nangyayari yun. Sa mga libro at pelikula lamang nangyayare ang ganung bagay. Lahat ng saya napagalitan din ng lungkot. Ang sabi nga ng iba kung sino Ang taong nag papasaya sayo ng sobra, yun din Ang taong mag bibigay sayo ng sobrang kalungkutan.

Hindi ko alam kung paano uusad pero hindi naman dito natatapos ang lahat. Hindi naman dito nag tatapos ang mundo ko alam kong may mas mararating pa ako.

Mukha lang impossible ngayon dahil sariwa pa,mukha lang hindi mo kaya ngayon dahil umaasa ka pa. Pero dating ang araw, maniwala ka, hindi mo man namamanalayan malayo kana pala sa dating ikaw. Hindi mo man namalayan nasasanay kana na hindi mo sya naaalala.

Paunti unti,subukan mong mag simula muli. Balikan mo ang mga panahong wala pa siya,balikan mo ang mga bagay na nakakapag pasaya sayo, balikan mo yung mga hobby mo na nakalimutan at napabayaan mo.

Huwag mo na siyang gawing mundo mo,huwag mo siyang gawing buong libro.
Tandaan mo balang araw marerealize mo din na hindi pala siya ang  buong kwento, kundi parte lamang siya ng pahina nito.

MORPHEUS2024

A Journey of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon