Prologue

6 0 0
                                    

Nagulantang ang buong mundo ko ng makita ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta ng mga ginawang tests sa akin ng aking Obgyn.

"This can't be!" Umiiyak kong sabi. I almost broke down and kneeled after seeing the result.

Agad akong nilapitan ni Mommy at inamo. "Anak, be strong! Your dad and I are always here for you!" Halos mapaluha rin si Mommy sa aking harapan.

Bente dos anyos ako ngayon at halos gumuho na ang aking mundo. Sa puntong ito ay halos mawalan na ako ng pag-asa.

Gusto kong sumigaw.

Gusto kong magwala.

Gusto kong saktan ang sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ako pa. Wala na akong silbi!

No one will accept and love me, either. 

Lumapit sa amin si Dra. Gail, OB ko.

"My deepest apology, Ma'am February and also to you Ma'am Divine. I repeated the test over and over again, but it's really serious. Sa inyo ko na binibigay ang desisyon. Your case is rare, Ma'am February. Sa katunayan ay ngayon lamang ako nakahawak ng ganitong kaso sa edad mo. Alam ko naman na alam niyo na ang magiging option. Either you undergo the operation, and almost 99% you will save it, or you will let it grow on your ovary, even if it is deadly. The decision is all yours. I know it's hard. But you have to decide."

Halos wala ng salita ang pumapasok sa aking tainga sa mga oras na ito. Ang tanging alam ko lang ngayon ay bakit sobrang unfair ng mundo. Sa dinami-rami ng babae, bakit ako pa?

Bakit kailangan kong mapagdaanan ang ganitong sitwasyon. 

Ang hirap. 

"Anak, you can decide. Pero para sa akin, I want you to live more. So, I'll go with the operation. Kahit na alam kong sobrang hirap anak." Patuloy ang paghimas ni Mommy sa aking likod.

"I don't know what to do, mom! My mind is blank right now! I just want to have some rest," sabi ko na tulala pa ring nakatingin sa resulta.

Tumango-tango ang doktora. "That's okay. Take your time Ma'am Feb. Just think about it deeply before you decide. Be strong!"

Be strong. 

Salitang lagi kong naririnig sa kanila. How can I? Paano? Paano pa ako magiging malakas kung pinagkaitan na ako ng mundo? 

Ito na ba ang resulta ng pagpapabaya ko sa aking katawan? I'm a hard drinker, a smoker and a woman who's addicted to nightlife. I live in an unhealthy lifestyle at batid ito ng mga taong malalapit sa akin. Syempre aside from Dad and Mom na santa at good girl ang tingin sa akin.

Now I'll pay the price.

Nang makauwi kami ay iniwan muna ako ni Mommy sa kwarto at hinayaang makapag pahinga. Narinig ko rin na kausap niya si Daddy at pinaalam ang naging resulta. Everyone wants to comfort me but they respect my decision not to talk to anyone... for now.
Hanggang sa makalipas ang ilang araw ay nanatili pa rin ako sa kwarto at nagmukmok.

(Door knocking…)

Pumasok si Mommy.

"Honey, Liam is here. Gusto ka lang niya kamustahin," wika ni Mommy habang nakaupo sa gilid ng aking kama.

"Okay mom!" Mahina kong tugon na nakasubsob pa rin sa aking unan.

"Sige, 'nak. Iwan ko muna kayo," wika ni Mommy at iniwan na kami ni Liam sa kwarto.

Si Liam Ocampo, bestfriend ko since high school. Gwapo at mayabang pero sa akin lamang umaamo. He confessed his feelings and courted me since ng tumuntong kami sa kolehiyo. Ilang beses ko na ring binasted pero patuloy pa rin siyang umaasa. He became my comfort person.

"Hey, get up! I know everything." 
Agad ako bumalikwas at humarap sa kanya.

Kusang tumulo ang aking mga luhang nakatingin sa kanya. Awang awa ako sa aking sarili.

"I'm scared Liam. I'm lost right now! I don't know what to do." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

Pinunasan niya ng kanyang palad ang aking mga luhang walang tigil sa pagpatak. "I know your strong Febby! At ikaw lamang ang nakakaalam sa sarili mo kung ano dapat ang gawin. I'm always here for you. Tanggap kita, alam mo 'yan. Mahal kita. At alam kong alam mo rin 'yan. Marami kaming nagmamahal sa 'yo. Magsusundalo ka pa 'di ba? There are so many more wonderful things in life na pwede mo pang magawa. There's always a way. And we will find it. At nandito palagi ako. Sasamahan kita."

Those words are enough for me to feel relieved. Inspite of this chaos, I know, may kasama ako sa laban ko. I'm with my family and of course Liam.

Kailangan kong lumaban at magpatuloy at piliin ang buhay ko kaysa sa aking kasiyahan. 
Nang sumunod na araw ay bumalik kami sa aking OB upang ipaalam ang aking naging desisyon. 

"You are so brave Ma'am Feb. This is the decision that I want you to make. Thank God he heard me." Hindi matumbasan ang galak ng aking OB sa naging desisyon ko. 

Sa California isasagawa ang operasyon at kailangan kong iwan pansamantala ang buhay ko dito sa Puerto Galera. 
Buo na ang loob ko at alam kong tama itong gagawin ko. Tama na piliin ang magpatuloy at mas maging matapang sa magiging hamon ng buhay. Kahit pagbalik ko ay may kulang na sa akin, I will remain standing and continue life and figure out my purpose kung bakit nangyari sa akin 'to. And yes, tama sila. I'm stronger more than anything and I can be more after this.

I will stay in California for 6 years and now am ready to face the new life, the new challenge. 

I will be living on my purpose!

FEBRUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon